Request ni Sharon Cuneta sa press: No Gabby questions, please

May 14, 2008







Pinagbigyan ng press ang request ni Sharon Cuneta na huwag siyang tanungin about ex-husband Gabby Concepcion sa presscon ng Caregiver.

Kahapon sa presscon ng movie, wala ngang nagtanong ng tungkol sa aktor sa Q&A portion at puro tungkol sa movie ang napag-usapan, partikular na ang experience ng grupo sa shooting nila sa London.

Pero ang nakatutuwang parte, wala ngang nagtanong among the members of the press about Gabby, si Boots Anson-Roa naman, kasama rin sa cast, ang inosenteng nagbanggit ng pangalan ng aktor.

Kuwento ni Tita Boots, ang first mother role niya ay sa pelikula nina Gabby at Sharon, PS I Love You. Nangako raw ang dalawa na sa kasal ng mga ito, siya ang kukuning ninang, pero nu’ng time na ’yun, nasa States na sila, kaya hindi siya natuloy mag-ninang.

Habang ikinukuwento ito ni Tita Boots, lihim na nagtatawanan ang mga reporter dahil marahil, hindi alam ng veteran actress ang tungkol sa request ng Megastar.

As expected, Sharon made a comment sa sinabi ni Tita Boots. Say ng Megastar, mabuti na lang at hindi natuloy mag-ninang ang aktres dahil wala rin namang nangyari.

Nagkatawanan na lang.

Anyway, napakarami naman talagang magagandang point na dapat pag-usapan sa Caregiver. In fact, parang kulang pa nga ang presscon.

Kung magkuwento si Sharon about the movie and her experience doing the film, akala mo’y wala nang bukas.

Ang London shooting ang pinaka-memorable experience ng mga artista. Bukod kay Shawie, kasama rin sa out-of-the-country shoot ang leading man niyang si John Estrada, Rica Peralejo at Makisig Morales.

Ayon kay Shawie, na-touch daw siya sa ginawang pagki-care sa kanya ni John habang narooon sila, lalo na nang ibili siya ng aktor ng tuna na pantawid-gutom.

Parang bumalik daw sa kanya ang alaala noong mga panahong gumagawa siya ng movie with some of the actors na noted sa pag-aalaga sa leading lady.

One of those she mentioned was the late Fernando Poe Jr.

“Kaya feeling ko, leading lady ulit ako. Thank you talaga, John,” sabi ni Sharon sabay halik kay John na katabi niya.

After the kiss, nagbiro si Shawie na “Naku, bakit ba hindi ko talaga malagyan ng malisya?”

Sa presscon, ipinakita ang full trailer ng movie at sa totoo lang, napakaraming scenes na talagang maiiyak ka at mata-touch.

Mula sa direksyon ni Chito Roño, ipalalabas na ang Caregiver sa May 28 bilang 15th anniversary offering ng Star Cinema at handog naman ni Sharon in celebration of her 30th year in showbiz.

* * *

Samantala, para kay Makisig, ang Caregiver na ang hindi niya makakalimutang naging pelikula niya dahil bukod sa nakasama niya si Sharon, naidirehe pa siya ng isa sa pinakamagagaling nating direktor, si Chito nga.

Bukod dito, we learned na niregaluhan pa siya ng iPod ng Megastar at take note, ’yung mamahalin, ha.

Sa shooting daw kasi sa London, ipakikita  sana ni Sharon ang foreign film na Sixth Sense dahil kasing-edad ni Makisig ang batang gumanap na bida.

Pero, tila hindi raw yata nai-download ni Mega sa laptop niya ang movie, kaya ang ginawa niya, pagdating niya sa ’Pinas, binilhan na lang niya si Makisig ng iPod na may mga naka-download nang files, kabilang na ang Sixth Sense.

Bale tig-isa sila ng iPod ng isa pang child actor na kasama rin sa movie, si John Vladimir Manalo.

Sa trailer, kitang-kita ang mahusay na pagkakaganap ni Makisig sa kanyang role at tiyak na magiging isa sa pinaka-major milestone in his life kahit maraming taon na ang makalipas.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Mary Jean Maycon
Sheree
Megan Fox picture gallery
Mary Jean Maycon
Aubrey Miles
Bea Alonzo

 


Comments

Got something to say?





Advertiser