Rudy Fernandez is in bad shape — Lolit

May 15, 2008







By: Ogie Diaz —“Ngayon ako naniniwala na talagang mababait sina Sam (Milby) at Piolo (Pascual) at mga Christian talaga sila!”

’Yan ang sey ni Ate Lolit Solis nu’ng makausap namin sa aming radio program kahapon.

“Sasabihin ko lang sa kanila, kung kailangan nila ang tulong ko at alam kong makatutulong ako, gagawin ko.

“Imbitahin lang nila ’ko sa kanilang okasyon o sa premiere night ng movie nila, pupunta ’ko!”

* * *

Kausap namin si Piolo nu’ng gabi matapos silang magpirmahan ni Ate Lolit Solis ng retraction at affidavit of desistance sa Manila City Hall.

Ayon kay Piolo, noon lang niya nakita si Ate Lolit. At nakita niya rito ang mommy niya, kaya naawa rin siya kung sakaling makulong si Ate Lolit.

“Hindi ko rin naman pinangarap na once a month makikita ko siya, tapos, andu’n ’yung feeling na ‘ito ba ’yung gusto kong makulong?’

“Kaedad pa ng mommy ko, kaya salamat naman at tapos na ’to. Nakuha na namin ’yung gusto naming retraction.”

* * *

Ikinuwento namin kay Piolo Pascual ang tunay na ugali ni Ate Lolit Solis para lang may idea siya kung gusto niya itong kaibiganin.

Actually, hinihimok namin siyang bigyan ng chance na maging kaibigan o nanay-nanayan si Ate Lolit, dahil once maging anak-anakan siya nito ay haharangin nito ang lahat ng bala na tatama sa kanya.

“Talaga? Gano’n siya makipagkaibigan?”

Oo naman, sabi namin. Baka nga ang nangyari pang ito ang magsilbing tulay para magkakilala sila at hindi na kami masa-shock kung maging close pa sila nito.

* * *

Samantala, ibinalita rin ni Ate Lolit Solis sa aming radio program na Daboy is in bad shape. Pero lumalaban pa rin daw ito.

“Actually, ang hahangaan mo rito talaga, si LT, eh.  Siya ang hindi nawawalan ng pag-asa na makaka-recover si Daboy.

“Pero si Daboy, ready na. Katwiran nga niya, lahat naman daw tayo, du’n din ang punta, una-una lang daw.

“Na-touch pa si Daboy sa nangyaring healing mass para sa kanya. Pinanood niya sa news ’yung healing mass ng movie industry para sa kanya.

“Du’n lumalakas ang loob ni Daboy, kaya ayaw pa niyang bumigay, eh. Lalo na si LT, na nakikita niyang pursigidong dugtungan ang buhay niya.

“Kaya ’yung nangyaring pag-aayos namin nina Piolo at Sam, birhtday gift (on May 21) na sa ’kin ’yon. Sana, ito ring kay Rudy, eh, makasama pa natin siya nang mahaba-habang panahon.”

Ang amin na rin pong hiling sa mga mambabasa ng People’s Tonight na sana’y isama n’yo sa inyong dalangin na madugtungan pa ang buhay ni Daboy.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Asia Agcaoili
Aubrey Miles
KC Concepcion
Mary Jean Maycon
Aubrey Miles
Assunta de Rossi

 


Comments

Got something to say?





Advertiser