Megastar Sharon todo iwas sa topics about Gaby Concepcion

May 18, 2008







Kahit anong iwas ni Sha-ron Cuneta na hindi na pag-usapan si Gabby Conccepcion, still hindi pa rin naiwa-san na mabanggit ang panga-lan ng aktor sa presscon ng Caregiver  (showing na sa  May 28).

Kahit sa   panayam ng ilang mga kasamahan sa pa-nulat tungkol kay Gabby pa rin ang topic.

Parang anino na yata  ng Megastar si Gabby na ka-hit anong gawing pag-iwas  ay tila mahirap itong takasan, huh.

Pero naging polite naman si Sharon sa pagsagot ng mga tanong tungkol sa ka-nila  ng dating minamahal.

Hanggang ngayon, kinu-kulit pa rin si Mega tungkol sa posibilidad na pagsasama nila ni Gabby sa pelikula, pero agad na niya itong tinuldukan.

Aniya, natutuwa siya na naroon pa rin ang clamor ng tao sa kanila na gumawa ng pelikula, pero ayaw niyang salingin  ang damdamin ng kasalukuyang mga mahal ni-ya sa buhay.             “No more Gabby questions na rin hangga’t  maaari kasi nakakahiya na sa wife niya at sa asawa ko (Senador Kiko Pangilinan),”  pakiusap ni Sharon sa panayam ng press sa kanya.

Isang bagay na nilinaw ng aktres ay ang posibleng pagsasama nina Gabby at ng anak nilang si KC Concepcion in one project someday. Wala naman aniyang magiging problema, kasi tatay naman daw ito ni KC.

In fairness, ito naman ang hinahangaan namin kay Sharon, kasi never ni-yang dini-discourage na ma-ging maayos ang relasyon ni-na KC at Gabby kahit sabihin pang matibay ang pundasyon at pagmamahal na ibinibigay ni Senador Kiko sa dalaga.

Hindi katakataka kung bakit lumaking may well-rounded personality si KC.

Isang bagay pa na excited si Sharon ay ang paggawa ni-la ng proyekto rin ni KC someday.

Yes, hoping din siyempre si Mega na makasama ang magandang anak sa isang project.

“But that (movie or TV show) will come maybe after KC finishes three movies pa.”

Hmmn, mabilis lang ang pagtakbo ng oras nga-yon kaya bago natin mamalayan, sina KC at Sharon na pala ang ating pinapanood sa isang pelikula to TV show.

Bongga ‘yan!

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Asia Agcaoili
Cindy Kurleto
Isabel Roces
Asia Agcaoili
Mariel Rodriguez
Nicole Hernandez Picture Gallery

 


Comments

Got something to say?





Advertiser