Ara Mina panay ang pagtatakip sa masamang ugali ni Cristine Reyes

May 19, 2008







SA huling away ng magkapatid na Cristine Reyes at Ara Mina ay tikom pa rin ang bibig ng huli.  Pilit pa rin niyang itinatago ang tunay na dahilan kung bakit dine-dedma siya ng younger sis.

Isang malapit kay Ara ang nagkuwento sa amin na nabasa niya ang text messages ni Cristine sa kapatid.  Hindi raw niya ‘yun ma-take dahil karamihan du’n ay below the belt na.

Hindi na niya inisa-isa ang text messages. Basta ang sabi niya, hindi raw ugali ng ma-tinong kapatid ang inasal ni Cristine sa Ate Ara niya.

Last May 9, birthday ni Ara, hindi rin nag-text o bu-mati man lang si Cristine.         Hindi ba siya nakaaalaala man lang o sinasadya niyang makasakit ng damdamin ng iba?

Tinanong namin si Ara kung ano talaga ang nangyari sa huli nilang away ni Cristine. Pero mas ginusto niyang manahimik na lang. Kahit sa TV ay pigil ang kan-yang mga pahayag.

Kahit nasaktan siya sa gi-nawa ng kapatid, pilit pa rin niya itong  inuunawa at iginagalang.

Sana lang ay pinahahalagahan ‘yun ni Cristine, huh!

*  *  *

MARAMI nang naging problema si Ara kay Cristine.

Kami ang takbuhan at iyakan ni Ara  tuwing namumroblema siya sa naka-babatang kapatid.

Kami man ay naging biktima na rin ng pabagu-bagong isip ni Cristine.

May presscon kami noon for the movie Green Paradise at  nagkasundo kami na sa hindi niya pagdalo sa presscon ay mag-iisyu ako ng press statement on her behalf.

Pinag-usapan naming da-lawa ‘yon ni Cristine at ni Ara, pero sa bandang huli, idinenay ako ni Cristine.

Nakaloloka, di ba?

Anyway, malayung-malayo pa ang lalakbayan ni Cristine bago niya marating ang kinalalagyan ngayon ng nakatatandang kapatid na si Ara.

Meanwhile, may bagong show si Ara sa ABS-CBN.

Ito ay ang Ligaw na Bulaklak na pagbibidahan ni Roxanne Guinoo.

As usual, siya ang main villain ni Roxanne sa soap opera.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Alicia Mayer
Bianca King
Bianca King
Angel Locsin
KC Concecpcion
Kristine Jaca

 


Comments

Got something to say?





Advertiser