Lolit Solis nawalan ng kredibilidad

May 19, 2008







Siguradong ligtas na sa kulong  si Lolit Solis, dahil iniurong na nina Piolo Pascual at Sam Milby ang kanilang demandang libelo laban sa kanya matapos niyang bawiin ang kanyang sinulat at humingi ng dispensa sa dalawa sa isang statement na pinirmahan niya sa korte mismo.

Matapos iyon, pumirma na rin   sina Piolo at Sam na iniuurong na nila ang kanilang demanda.

Medyo kritikal ang kasong ito  kay Lolit, dahil nakalusot siya sa kaso  niya noon sa Manila Film Festival scam dahil sa probation, pero maliwanag ang mga  kundisyon na hindi na siya dapat masabit pa sa ibang kaso.

Dahil oras na masabit siya ulit sa isa pang kaso, hindi na siya maaari pang mag-apply ng probation.

Maraming sabit-sabit na kuwento ang kasong iyan. Sinasabi ni Veronica

Samio na hindi siya dapat na  masama  sa  kasong iyon dahil nang lumabas ang column ni Lolit ay retired na siya.

May mga nagsasabi namang pinanindigan na lang ni Lolit ang nakalagay sa kanyang column dahil ayaw din niyang magpahamak ang ibang tao na siyang nag-feed ng istoryang iyon.

Pero ano man ang totoo, at least nagkasundo na sila. Hindi naman nasira ng column na iyon ang image nina Piolo at Sam. Hindi naman nagbago ang kanilang popularidad.

Sa palagay namin,  hindi rin  naman  maaapektuhan ang kredibilidad ni Lolit bilang isang kolumnista dahil sa kanyang ginawang pagbawi ng kanyang sinulat.

Mayroon siyang sources, mali naman pala ang nai-feed sa kanya, kaya iyon lang iyon. Bukas-makalawa, makakalimutao  na rin ng mga tao ang lahat ng iyan.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Karel Marquez
Sunshine Cruz
Amanda Griffin
Kat Alano
Mary Jean Maycon
Assunta de Rossi

 


Comments

Got something to say?





Advertiser