Angel Locsin, masaya para kay Marian Rivera
May 20, 2008
PAGKATAPOS ng taping ng Lobo, sisimulan na nina Angel Locsin at Piolo Pascual ang first movie nila na kukunan pa sa Australia. One month din daw mawawala ang dalawa para mag-shoot sa nasabing bansa. Wala pang titulo ang pelikulang ididirehe ni Rory Quintos, pero sinisiguro ng Star Cinema na isa ito sa malalaking pelikula ng produksyon at parte pa rin ng 15th anniversary offering nila.
Excited na si Angel sa nasabing pelikula, lalo na nang malamang magpi-premiere rin ito sa USA.
Say nga ng aktres, sobrang happy siya sa pag-aalagang ibinibigay sa kanya ng Kapamilya at sa magagandang proyektong ibinibigay sa kanya.
Happy din at thankful si Angel na napupuri ang acting niya sa Lobo. In fact, this early ay sinasabing malaki ang laban niyang maging Best Actress sa TV awards season, pero say ng aktres, sapat na sa kanya ang malamang nasisiyahan ang viewers sa kakayahang ibinibigay niya.
“Ako naman, ginagawa ko lang ang trabaho ko at hindi ko rin naman ito magagampanan nang maayos kung wala ang tulong ng mga direktor ko sa Lobo na sina Direk Cathy (Garcia-Molina) at Eric (FM Reyes),” she said.
Samantala, ani Angel, sana ay huwag na silang intrigahin pa ni Marian Rivera dahil hindi naman daw sila magkaaway at masaya pa nga raw siya sa nangyayari sa career nito.
Related News
No. of Views: 379 views
Tags: Angel Locsin, Marian Rivera, Piolo Pascual
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
One Response to “Angel Locsin, masaya para kay Marian Rivera”
Got something to say?















wag na kau mag-away kung sino ang mas sexy. kc pareho naman silang galing ng syete………….pagdating ng araw lilipat din yan si marrian sa dos.