Korina Sanchez idedemanda ng Lucida-DS Glutathione

May 26, 2008







IDEDEMANDA yata ng paninirang-puri ng Lucida-DS Glutathione si Korina Sanchez.

Kumalat sa pahina ng mga broadsheet ang kanilang claim na hindi “fake” ang Lucida at hindi kulang sa 500 mg gaya ng pinalalabas ng naturang broadcaster.

May ilang katanungan pa sila kay Korina tulad ng bakit daw tinitira nito ang billboard ni Loren Legarda?

May kaugnayan daw ba ’yung guest ni Korina na si Dra. Raquel David sa MET Tathione? Lisensiyado raw bang dermatologist si Dra. David?

By the way, dumating dito si Gabby Concepcion na mestisung-mestiso, ba’t sa billboard ng Lucida, parang hindi na siya mestiso?

* * *

SAMANTALA, sa presscon daw ng Lucida kung saan pormal nang ini-launch si Gabby bilang endorser, nalokah ang ibang kaibigan sa press na um-attend.

Disorganized daw ang presscon.

Nag-walk-out daw ’yung ibang press dahil nainip.

Sa raffle raw ng mga prize ay ang kontrobersiyal na si Bel Galindez ang nagtuturo ng pangalan ng mga press na magwawagi.

Nagkakamali-mali pa raw ito ng pagtawag sa pangalan ng mga nagwaging mga reporter.

At na-shock ang ilan, dahil ba’t daw pati mga in-invite na mga doktor ay kasali rin sa raffle?

Wala kami roon, kaya mahirap ang humusga. Kung may mga ganito mang eksenang kapalpakan, ituring na lamang na lesson learned ito para sa lahat ng involved.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

KC Concepcion
Nancy Castiglione
Patricia Javier
Anna Leah Javier
Alicia Mayer
Asia Agcaoili

 


Comments

Got something to say?





Advertiser