Lalaking nambastos kay Marian Rivera, fan ni Angel Locsin

May 26, 2008









BUMALIK sa Subic ang cast ng Dyesebel last Saturday para muling mag-taping ng number one teleserye ng bansa.

Inaalam pa namin kung muling bumisita sa taping ang lalaking nakabangga ng actress na si Marian Rivera na nameless pa rin hanggang ngayon.

Pero, totoo bang tumawag sa mga kakilala niya sa GMA-7 ang nasabing lalaki at ipinaalam na iinterbyuhin siya ng ABS-CBN?

Kinilala na rin ng fans ni Marian ang nagpapadala ng link sa YouTube ng video nito na supporter daw ng isang actress na karibal sa popularity ni Marian (Si Angel Locsin nga raw base sa sangkatutak na e-mail ng Marian Knights members. – IFF).

But so far, wala pang epekto kay Marian ang paglabas ng video, dahil solid pa rin ang suporta sa kanya ng kanyang fans at sinusubaybayan pa rin ang Dyesebel.

Sunud-sunod pa rin ang dating ng product endorsements sa kanya at ang balita namin, may six new endorsements siya.

Samantala, sa Dyesebel mamaya, kung ’di kina Gilda (Luis Alandy) at Donya Guada (Nanette Inventor), mahuhuli na sana ni Fredo (Dingdong Dantes) na sirena si Dyesebel.

Susugod si Betty (Bianca King) sa resthouse ng donya nang malamang may dinalang babae roon si Fredo at nang makita si Dyesebel, super panglalait ang matitikman nito sa kanya.

Sa Sirenea, itatakda ang kasal nina Berbola (Michelle Madrigal) at Erebus (Alfred Vargas), pero ayaw ng unang makasal sa huli, kaya tatakas siya at pupunta kay Amafura (Rufa Mar Quinto) para hilinging magka-paa.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Maureen Larrazabal
Aubrey Miles
normal_hazel_ann_mendoza_03.jpg
Eula Valdez
Mary Jean Maycon
Sheree

 


Comments

Got something to say?





Advertiser