Precious Lara Quigaman, pinatanggal ni Willie Revillame!

May 26, 2008







Masama pala ang loob talaga ni Lara sa kanyang “kuya” na si Willie Revillame, dahil isang ka-close ng beauty queen ang nakatsikahan namin, at ang sabi nito, “Noon pa kasi, may gusto na si Willie kay Lara. Si Willie ang nag-push kay Lara para maging co-host, dahil baka nga naman sagutin siya ni Lara.

“Ang kaso, may boyfriend ’yung tao. Naasar si Willie nu’ng isinama ni Lara ’yung BF niya sa Hawaii.

“Kaya nga a day ahead, lumipad na pa-Manila si Willie, dahil nairita nga siya kay Lara. Ba’t siya nagagalit, eh, ipinagpaalam naman ni Lara sa production staff na sasama ang boyfriend niya at ’yun ang sasagot ng sariling ticket?

“Pumayag naman ang staff, pero si Willie lang ang ayaw. Kaya, eklat-eklat lang ’yung noon pa ipinagbawal sa Wowowee ang pagdyo-join ng boyfriend.

“Ang nasa house rules talaga, bawal magsyota ng katrabaho mo. At ’yan ang nangyari noon kina Willie at Janelle Jamer, kaya ang ending, natsugi ’yung girl.

“Si Willie talaga ang nagdesisyon na tanggalin na si Lara at alam ’yon ni Lara. Nalungkot na naman nga sina Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion, eh.

“Nalungkot sila sa nangyari at the same time, natatakot mawalan ng trabaho, dahil isang sabi lang ni Willie na tanggalin ’yan, tanggal sila agad!

“Ganyan siya ka-powerful!”

Gano’n ba? Pero as usual, hindi namin puwedeng husgahan si Willie. Hayaan n’yo’t ’pag nakasalubong namin si Willie, itatanong namin ang mga bagay na ’to.

* * *

Honestly, sana’y inayos na lang ang problema’t hindi na humantong pa sa “pagtsugi” kay Lara ang sitwasyon.

Talented si Lara. Mahusay na siyang mag-host. Kabisado na niya ang mga televiewer at ang mga studio audience.

Hindi nakakangilo sa tenga ang boses niya kahit sanay sa “sigawan” ang mga host ng Wowowee.

Kanino nga ba talagang desisyon ang tanggalin si Lara Quigaman?

* * *

Bigla tuloy naming naalala ang Eat Bulaga.

Ito ang noontime show na “nagtatagal” ang mga host at co-host.

Ilang taon na ang Tito, Vic and Joey? Almost 30 years na? Ang mga co-host, matatagal na rin.

Nakausap nga namin si Tita Malou Choa-Fagar, eh. Meron kaming isina-suggest sa kanya na pagpahingahin na, dahil wala nang bagong ipinakikita.

“Hindi kasi gano’n si Mr. Tony Tuviera (ang producer), eh. ’Pag mahal naman nila ang show, mahal din sila ng show.”

Saka in fairness, si Tita Malou, hindi nai-in love sa kanyang mga host.

“Hahaha! Oo naman!”

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Joyce So Picture Gallery
Jamila Obispo
Asia Agcaoili
Alicia Mayer
Jenny Miller
Kathleen Hermosa

 


Comments

Got something to say?





Advertiser