The truth about the ‘Marian Rivera Scandal’

May 26, 2008







WE got a video called “Marian Rivera Scandal” and it shows the star of “Dyesebel” having an argument with a man. The video ends saying “Ganyan kapalengkera ang idol ninyo.” We ask Marian about on the set of “Dyesebel” and she told us it happened while they were taping the now No. 1 TV serial in Subic.

“Bawal sa amin mag-video sa set at nang pababa ako ng bahay where we were taping I saw a man na nagvi-video,” she says. “I told him, ‘Uy, si Kuya, nagvi-video.’

Nakangiti pa ko’t sa tonong pabiro. Sinagot ako ng pabalang: ‘Bakit? Ikaw bang vini-video ko?’ Siempre, nabigla ako, umalma ko. Ang feeling ko kasi, binabastos ako. Sabi ko, taga saan ba siya?


Member ba siya ng staff? Sabi sa’kin, ‘Nakaupo ako rito. Ano bang pakialam mo?’ Di nagkasagutan na kami. Kahit payatot ako, hindi ko siya uurungan. Lalaban talaga ako dahil Cavitena yata ako. First time akong naka-enkwentro ng ganun sa set, e nagbibiro pa nga ako.

Pero the next day, bumalik siya sa set, nahimasmasan yata, so nagkaliwanagan kami. Nagkaayos na. Ewan ko ngayon kung bakit lumaki na. May nagvi-video pala sa amin sa simula ng pag-uusap namin at habang nagsasagutan kami, at yun, kinalat na nga at nilagay para raw sa YouTube as ‘Marian Rivera Scandal.’

“Hindi ko pa napapanood pero nagdagdagan daw ng footage na may kamay na sumasampal doon sa lalaki, pero hindi ipinapakitang ako nga. Pero dahil akong kausap niya, siempre, you’d presume ako ‘yun. Sabi nila, na-setup daw ako. I don’t know if that’s true, pero obvious na I was really provoked para mag-react ng ganun.

Sa’kin naman, pinagtanggol ko lang ang sarili ko dahil naapi na ako. Dapat nga siguro, masanay na ako sa ganitong mga intriga kasi ito naman ang trabahong pinili ko. Pero sa’kin, huwag mo kong babastusin dahil hahamunin kita talaga ng suntukan.”

So what does she intend to do about it?

“Aba, ‘di bahala sila. Panoorin na nila ng panoorin. Basta ako, kumasa lang ako dahil I have to defend myself at ‘di ako papayag na magpabastos na lang basta.”

It’s timely that in this week’s “Dyesebel,” she will see the bad treatment that people give to a mermaid that they make fun of in a “perya” and she gets scared. “Ganun din naman ang gawain ng ibang tao sa mga artista, they heckle us,” says Marian. “The best thing is to just ignore these hecklers.”

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Nicole Hernandez Picture Gallery
Assunta de Rossi
Mary Jean Maycon
Jennifer Lee
Jennifer Lee
Angel Locsin

 


Comments

Got something to say?





Advertiser