Mommy ni Anne Curtis boto kay Sam Milby
May 29, 2008
Mabuti naman at bumalik na sa dati ang katawan ni Sam Milby.
Ilang buwan ding na-ngayayat ang papable na ito dahil pala sa kanyang pagdi-diyeta. How ironic lang, kung kailan healthy diet ang gi-nawa ni Papa Sam, ito na-man ang kanyang ikina-payat nang husto kung kaya ilang beses siyang naukray na umano’y muk-hang tuyot at tipong lantang gulay.
Grabe!
Ang lupit naman!
Ngayon, back in his top shape na si Sam.
Noong huli namin si-yang nakasalubong bongga na ulit ang kanyang body.
Hunk papa na ulit siya. Nalaman din namin na hindi naman pala totoo ang intrigang hindi boto ang madir ni Anne Curtis sa kanya, eh.
Ilang beses ding itina-nong sa amin ang tungkol sa isyung ito, dahilan sa lumabas ngang chika na mas type ng Mommy Ka-ren ni Anne si Luis Man-zano para sa aktres.
Mabait at loving si Luis, pero aminin natin na wala nang babagay pa kay Anne kundi si Sam lang, ‘di ba?
Ayon pa sa aming source, maging si Sam ay nagulat daw sa chikang ito.
Kasi nag-meet na sila ng ina ni Anne noong concert nila ni Piolo Pascual sa Melbourne, Australia nitong nakaraang Dis-yembre.
Doon din ay nagustuhan naman daw siya agad ng mommy ni Anne. In fact, dinalhan pa raw siya ng cake on stage at nire-galuhan ng t-shirt at kung anu-ano.
Sa madaling salita, hindi totoo ang intrigang hindi boto ang ina ni Anne sa kanya.
Naku, sino ba namang nanay ang hindi gugustuhin si Sam? Napaka-res-ponsableng tao at mapagmahal sa pamilya nag aktor, bukod siyempre sa katotohanang guwapo talaga siya, noh.
Kasama rin pala si Sam sa Diyosa bilang kapareha ni Anne. So, hindi na magtatagal at mapapanood natin muli ang tambalang nagpakilig sa atin. Ito ay idinerehe ni Wenn Deramas.
Related News
No. of Views: 187 views
No tag for this post.
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














