Kasal kay Cesar Montano, balak ipa-annul ni Sunshine Cruz

June 4, 2008









MUKHANG tuluyan nang mapapa-annul ang kasal nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Sa report ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kahapon, sinabi ni Sunshine na nakikipag-usap na siya sa isang abogado para sa posibilidad ng pagpapa-annul ng kasal nila ng aktor.

Contrary to earlier reports na nagkakamabutihan nang muli ang mag-asawa matapos lisanin ni Shine ang conjugal house nila ni Cesar, lalo pang gumulo ang relasyon nila dahil sa diumano’y paninira ng kapatid ng huli na si Ched.

Based daw sa Italy ang huli dahil nakapangasawa ng isang foreigner. Hindi binanggit ni Shine ang puno’t dulo ng galit sa kanya ng utol ni Cesar, pero aware raw siya sa mga ipinakakalat nitong mali at malisyosong balita tungkol sa kanya.


Sa text ng aktres, sinabi nitong, “What hurts is the fact that Cesar is not protecting his family from his sister at all. I need to do something before they totally crush me.

“It’s been years that I kept quiet for Cesar. I was told by someone that hate e-mails for years about me were being sent to writers and TV stations. They now realize who is spreading the hate mails.

“From the suicide death of Cesar’s cousin pinpointing me to be the cause, to pocketing campaign money of Cesar, to having an affair with another guy… Lahat ’yun kinakalat sa TV at press ng isang taong matagal nang gustong sirain ang pagsasama namin ni Cesar at sirain ang kinabukasan ng mga anak ko.

“Kailan lang ako nag-log in uli sa Friendster. May mga kamag-anakan kasi ako sa ibang bansa na nagpi-Friendster, at marami nga silang nababasa tungkol sa akin. They gave me an idea about the bad things being circulated about me. Kaya I wanted to find out for myself.

“Hindi mapakialaman ng sister-in-law kong si Ched ang Friendster account ko dahil banned siya. Noon ko pa alam na siya ang nagkakalat ng mga paninira sa akin, pero pinagtitiisan kong lahat ’yun, alang-alang sa asawa ko.

“Alam ng Diyos kung paano ko pinakisamahan ang pamilya ni Buboy. Iniisip-isip ko hanggang ngayon kung ano ba ang malaking kasalanan ko sa kanila para gawan nila ako ng ganito,” himutok pa ni Shine sa PEP.

Ang mas masakit daw sa aktres ay ang pangyayaring kakampi ng hipag niya si Angela, panganay na anak ni Cesar sa pumanaw na unang asawa.

“Kaya kong tiisin ang lahat ng ’yan, ang mga paninirang ikinakalat ng pamilya ni Cesar sa akin, dahil mahal ko siya.

“Pero na-realize ko, siya na mismong asawa ko, deadma lang at walang ginagawa para protektahan ako at ang mga anak ko sa mga ganitong klase ng paninira sa akin.

“Basta, ang nai-text pa niya sa akin, ‘Kasalanan mo ’yan dahil nakipag-away ka sa kanila.’ Masakit ang balik ng mga salitang ’yun, dahil hindi totoong nakikipag-away ako sa mga kamag-anakan niya.

“At kung may problema man kami, wala silang karapatang yurakan ng ganoon ang aking pagkatao, at kapag naaapektuhan ang mga anak ko ng ganito, lalaban na ako,” pahayag ni Shine.

Abangan ang Startalk sa Sabado, dahil ayon sa aktres, meron siyang inihandang written statement kaugnay ng kontrobersiyang ito.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Aubrey Miles
Cindy Kurleto
Diana Zubiri
Katrina Halili
Angel Locsin
Christine_Reyes_796

 


Comments

Got something to say?





Advertiser