Mariel Rodriguez cried on abortion issue
June 4, 2008
DAPAT hindi na namin panghihimasukan ang teknikali-dad sa nasabing pangalan ng magandang dalaga dahil kahit ano pa ang gamitin niya, she remains the very talented and kind-hearted person that she is.
Nang marinig namin ang version niya ng awiting Ima-gine na pinasikat ng legendary artist na si John Lennon, hindi namin maiwasang hangaang lalo ang dalaga.
Mapuso, may commitment at nararamdaman tala-ga ng dalaga ang ‘uri’ ng adovacy niya bilang UN World Food Program Ambassador.
“I’m thankful na pinayagan ng BMG Music na isama ang nasabing song sa aking album. It’s a personal favorite at talagang kanta ko iyan para sa advocacy ko,” paliwanag ni KC nang i-launch na kamakailan ang kanyang music album na aka Cassandra.
Mayroong 12 songs ang naturang CD at lahat ng ito ay naglalarawan sa batang aktres bilang isang tipikal na young artist.
Gustung-gusto rin namin ang rendition niya ng Doo Be Doo na isa palang African song na translated sa Tagalog ni Joey de Leon. Imposible ang carrier single ng naturang al-bum na available na sa record bars. Singing is just among the many talents KC has. On stage, she seems to be a better perfor-mer dahil marunong siyang mangiliti at sumayaw na tila kulang naman sa megastar ni-yang nanay. Hindi intriga ‘yun, huh?
* * *
ANG nakaiintrigang balitang nakarating sa amin ay ‘yung diumano’y pagpapalaglag daw ni Mariel Rodriguez sa Hawaii kamakailan.
Sobra naman talaga pa minsan ang imagination ng mahihilig gumawa ng tsismis.
Ayon sa nakalkal namin, sa on-line sites o fora nag-umpisa ang tsismis. Tanungan ang ilang mga naiinggit yata sa magandang host-actress, hayun, biglang naging isyu. Nagpa-abort nga raw ito nang pumunta sa Hawaii kamakailan in time for their Wowowee show.
Kawawa naman si Mariel. Si Zanjo Marudo pa ang itinurong ‘ama’ raw ng ipinalaglag nito.
Ayon sa reaksyon na nakuha namin mula sa isang malapit sa aktres: “Grabe na iyan. Hindi na siguro maganda ang mga ganyan lalo pa’t mga tsismisan sa on-line forum pala nanggaling ang lahat. Wala sa pagkatao ni Mariel ang magriri-resort sa ganyan. Hindi siya ganung uri ng babae, kahit pa sabihin ng iba diyan na siya’y liberal.”
Oo nga naman. Masyadong damaging ang kuwento at knowing Mariel na mababaw ang luha, labis niyang iniyakan ang walang katotohanang tsismis na ito. Pero, relax ka lang Ms. Mariel, ang mga natsistsismis nang ganyan, ay sila pa itong madalas na mga disente at kagalang-galang kumpara sa ilang santa-santitang kilala namin.
* * *
MALAPIT nang magsimula ang ikalawang season ng Pinoy Dream Academy.
Habang ongoing ang katapat nitong singing search sa kabilang istasyon, kakasa naman ang PDA simula ngayong June 14 sa PDA Concert Hall. Pero bago iyan, bubu-uin muna ang final casting kung sinu-sino out of top 32 aspirants ang tatawaging scholars.
Araw-araw na itong mapapanood after ng grand launch on June 14 at ang tatlong hosts nga ay sina Toni Gonzaga (primetime), Nikki Gil (updates) at ang bagong kapamilyang si Billy Crawford (PDA Uberture).
Sina Toni at Billy din ang natokang mag-host sa mga magaganap na weekly performance and expulsion night.
Nang muling humarap sa media si Billy kamakailan along with the PDA’s resident judges, mas emosyonal ito. Hindi nito nailingid ang luha nang may mga kasama tayong nagtanong kung nagkausap na ba sila ni Kuya Germs.
“Hindi pa. Naghahanap pa talaga ako ng tamang panahon. Timing na maganda ang kailangan diyan,” ang seryoso pa nitong nasabi.
Samantala, ang bagong headmaster na si Ryan Cayabyab ay doble rin ang excitement sa magaganap na PDA.
“This will be another great experience for me,” tsika ng pamosong song writer. Makakasama niya ang equally greats pagdating sa kahusayan sa kanilang fields: Performance master na si Joey Reyes, UP College of Music voice and music theater chairman at voice master Kitchy Molina at ang musician extra-ordinaire at voice mentor na si Monet Silvestre.
Indeed, what a challenging PDA season 2 we will have, lalo pa’t hindi makukuwestyun sa galing ang mga nabanggit na pangalan.
Related News
No. of Views: 263 views
Tags: Mariel Rodriguez, PDA
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














