Mariel Rodriguez abortion issue not true - Zanjoe Marudo

June 5, 2008







To the rescue si Zanjoe Marudo sa issue ng abortion ng rumored girlfriend na si Mariel Rodriguez. Sa isang panayam, sinabi ng aktor na wala itong katotohanan and he should know the truth.

Balitang-balita kasi sa showbiz na diumano’y nagpa-abort si Mariel nang magpunta sa Hawaii. Since si Zanjoe lang ang nali-link sa kanya, ang hunk actor na miyembro ng Cover Boys ang sinasabing ama ng kanyang diumano’y ipinalaglag.

Pero ani Zanjoe, walang-wala itong katotohanan.

“Alam ko kung ano ’yung totoo. Kung may taong dapat unang makaalam ng totoo, ako ’yun,” sabi ng aktor.

’Kaaliw din ang statement ni Zanjoe na “ewan ko kung anong araw siya nagpa-abort kasi araw-araw siyang nagho-host sa Wowowee at PBB. Nu’ng nawala naman siya, nasa Amerika siya. Hindi ko alam kung saang oras niya isiningit ’yung pagpapa-abort,”

Sa kabila ng mga negatibong isyu na ipinupukol sa kanila, hindi raw apektado ang closeness nila ni Mariel at ngayon nga raw siya lalong mas kailangan ng “special friend.”

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Asia Agcaoili
Cassandra Ponti
Joyce So Picture Gallery
703
701
Mary Jean Maycon

 


Comments

Got something to say?





Advertiser