No kissing scene for Sarah Geronimo
June 5, 2008
Mukhang mahihirapan ang Star Cinema na kumbinsihin si Sarah Geronimo sa kissing scene with John Lloyd Cruz sa A Very Special Love dahil ayon sa dalaga, parang hindi pa siya ready sa mga ganitong klase ng eksena.
As we all know, hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Sarah, never been touched, never been kissed, ’ika nga.
Pero kung ’yun lang naman ang inaalala ni Sarah, ang direktor na si Cathy Garcia-Molina na ang bahala kung paano ito i-e-execute.
Kaso, say ni Sarah, gusto niyang sundan ang career path ng idolo niyang si Sharon Cuneta na during the early years ay no kissing scene at nu’ng mag-asawa na lang pumayag na makipaghalikan sa pelikula.
Sa kasalukuyan, tinatapos pa nina Sarah at Lloydie ang A Very Special Love at kabilang na nga sa remaining scenes na kukunan ang kissing scene.
Abangan na lang kung matutuloy ang kontrobersyal na eksena.
Related News
No. of Views: 356 views
Tags: John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
One Response to “No kissing scene for Sarah Geronimo”
Got something to say?















hay naku sarah akin ka lang..wag kang magpapakhalik kahit kanino