Rich vs. poor sa PBB Teen plus

June 9, 2008







Ito na yata ang pinakamahigpit na laban sa kasaysayan ng Pinoy Big Bro-ther (all editions).

Thirty thousand votes lang ang lamang ni Ejay (PBB Teen Big Winner) kay Robi (2nd Big Placer). It was the classic tale of ma-yaman vs. mahirap.

And we were right all along na mananalo si Ejay dahil mas maraming mahihirap dito sa Pilipinas ka-hit sabihin pang mas ma-pera ang mga taga-Ateneo.

But of course, kung ga-nito ang pagbabasehan na-min, we are being unfair to both Ejay and Robi.


Sa palagay namin, ibi-noto pareho ng taumba-yan sina Ejay at Robi dahil pareho silang nagpakatotoo nang husto sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Si Ejay, sa pagiging simple niya at pure at heart, at si Robi sa pagiging born-leader at magandang ehemplo sa mga kabataan.

Isa lang ang napansin namin: Mukhang hindi ya-ta kumilos nang husto ang mga Bisaya ngayon para iboto nang husto ang kanilang mga kababayan na sina Beauty at Nicole tulad ng ipinanalo nila dati sina Keanna, Kim at Ruben.

Panahon din ng boys ngayon, kasi dalawang lalaki ang naglaban for the top spot this season. Mukhang mas pinapa-boran na ngayon ng taumbayan ang kalalakihan tulad ni Ruben last season.

Pero, ang importante ngayon ay ang mga mang-yayari sa career ng PBB Teen season 2.

Sisikat ba nang husto si Ejay tulad ni Kim? Kakagatin ba nang husto ang loveteam nina Ejay at Va-lerie tulad ng Kim-Gerald loveteam? O mas mangi-ngibabaw ang loveteam ni-na Nicole at Josef?

In the same manner, itutuloy pa ba ng ABS-CBN ang loveteam nina Beauty at Alex?

Sisikat ba nang husto si Robi? O matutulad lang siya sa kapwa Atenean na si Mikee Lee na isinabak ng Dos sa hosting? Coincidence na parehong 2nd Big Placer sina Robi at Mikee.

At paano naman sina Kevin, Priscilla, Nan, Jolas at Linda? Mag-aartista rin ba sila?

Abangan!

* * *

Nagustuhan namin ang presentation ngayon ng Big Night ng PBB dahil pinag-kasya lang ang show sa lo-ob ng two hours.

Maaga itong nagsimula, a little past 8 p.m. at ma-aga ring natapos, almost 10:30 p.m. Hindi tulad ng past PBB Big Nights na ina-abot ng more than three hours ang show at natatapos na ng past 12 m.n. na ito.

Kasi this time ay nag-pakasimple na lang ang ABS. Hindi na nila tinadtad ng mga artista nila ang show as guests. Instead kinuha na lang nila ang cast ng My Girl at ang pinaka-bagong Kapamilya na si Billy Crawford to provide the production numbers. Siyempre nandiyan din ang exciting production number ng lahat ng PBB Teen evictees plus ‘yung dalawang House Players ng Bayan na sina Shy at Mikan.

Type din namin ang lib-reng sorbetes na ipinamigay sa loob mismo ng Ara-neta courtesy of My Girl. Dapat ay laging may freebies na ganito para lalong maging masaya ang audience habang nanono-od ng show.

We would like to cong-ratulate the staff and crew of PBBTEP for a job well done!

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Maja Salvador
Iwa Moto Gallery
Anna Leah Javier
KC Concepcion
Jennifer Lee
Anne Curtis

 


Comments

Got something to say?





Advertiser