Text votes para kay Robi, ’di pumasok; PBB officials dapat magpaliwanag
June 9, 2008
HONESTLY, masaya na rin kami kung si Ejay Falcon ang tinanghal na Big Winner sa PBB Teen Edition Plus.
Ang iniisip na lang namin ay napakalaking blessing no’n para sa kanyang pamilya.
Tingnan mo naman ang suwerteng dumapo kay Ejay. Wagi na siya, tinanghal pang Big Guardian Winner ang kanyang kinagisnang ama, kung saan nagwagi ito ng kalahating milyong piso.
Hindi si Ejay ang ibinoto namin, kundi si Robi. Nakita namin kay Robi ang isang kabataang sa kabila ng pagkakaroon ng rangya sa buhay ay hindi nakalimot maging maka-Diyos.
Nagpakita rin ng leadership. Nakisalamuha nang maganda sa ibang housemates. Hindi nagpasira sa kaway ng pag-ibig sa loob, dahil nga priority ang pag-aaral.
Nagpakita ng katatagan. Nagsumikap din. Marunong mag-isip ng kung ano ang tama at mali. Marunong magdesisyon at higit sa lahat, lutang na lutang ang breeding.
Talagang ramdam mo na pinalaking maayos ng kanyang mga magulang.
Ngunit hindi siya ang nagwagi. Runner-up lang siya ni Ejay. At wala na ring saysay para kami’y magprotesta pa o magalit kung kanino, dahil hindi na mababago ng galit o protesta namin ang resulta.
Nakalulungkot lang talaga na umpisa pa lang ng show ay tiniyaga na naming bumoto sa pamamagitan ng text hanggang sa maka-otsenta kaming boto para kay Robi.
Ang nakalolokah lang, babalikan kami ng reply na “closed na ang pagboto”? So, ano ang ibig sabihin no’n? Hindi nakapasok ang 80 votes namin at iba pang boto kay Robi ng kanyang mga supporter?
Ewan, hindi namin alam kung sino ang dapat na magpaliwanag nito para mas maintindihan ng mga nagtatakang tulad namin.
Ganumpaman, sa puso namin at sa utak namin, si Robi ang Big Winner.
* * *
Again, nandiyan na ’yan, sabi nga. Wala na kaming magagawa.
Basta kay Ejay, sana’y ang mga blessing na dumating sa buhay niya ay alam niya kung paano gamitin at gastusin.
Maging inspirasyon na sa kanya ang kahirapan ng buhay para ito’y ’wag na niyang mabalikan pa. At sana ngayong nasa outside world na siya’y ipakita na niya ang kanyang true character para masabing hindi niya sinayang ang boto ng sambayanan.
Kaibigan din namin ang kanyang manager na si Benjie Alipio, sana’y hindi magkaproblema sa komisyon nito bilang manager niya. Sana’y maibigay niya ang nararapat kay Benjie.
At ipinagpe-pray namin na sana’y hindi lumapit sa amin si Benjie na namumroblema sa obligasyon ni Ejay sa kanya, dahil ang daming kaibigang reporter ni Benjie.
Naku, ’yun na lang daw ang nasabi namin, o!
Related News
No. of Views: 208 views
Tags: PBB, Pinoy Big Brother
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
One Response to “Text votes para kay Robi, ’di pumasok; PBB officials dapat magpaliwanag”
Got something to say?















was reading news this morning and got to the part where ejay falcon’s father said the P1Million ejay won was so small???….. he should be happy to have won or i may say they won, instead of complaining he rather be thankful of the prize they won… bakit di niya isipin anong buhay nila without money nun tapos ngayon akala mo naman nakahawak na nang malaking pera noon para sabihin na maliit ung napanalunan nila????…. dapat nga tanggapin niya na sympathy votes rin naman nagpanalo kay ejay in the first place since kung tutoosin wala naman naitulong si ejay sa bahay ni kuya kungdi panay ang pagsabi niya na kesyo mahirap sila and that… sayang at least kung si robi domingo nanalo he gets to help charities at hindi isang tao lang sana natulungan nang ABS-CBN who complains a whole lot at hindi magpasalamat nalng… robi got my vote.