Ejay Falcon shocked sa isyung dati siyang call boy
June 11, 2008
KATATAPOS pa lang i-declare ni Ejay Falcon bilang big winner ng PBB Teen pero kung anu-ano na kaagad ang kanyang kinakaharap na intriga.
Sa presscon ng Big 4 ng PBB, hindi nakaligtas si Ejay sa maiintrigang tanong sa kanya.
Bagama’t sa one-on-one interbyu lang ‘yun nangyari, pero halata pa ring gulat ang binata sa mga gustong malaman ng press tungkol sa kanyang ‘lihim.’
Unang inusisa kay Ejay kung totoo raw na probinsyano siya talaga.
May mga nagsasabi raw kasi na dalawang taon na siya rito sa Maynila.
“Opo, two years na nga ako rito, pero pabalik-balik din ako sa amin sa Mindoro. Minsan three months ako do’n. Minsan naman one year. Hindi ako madalas dito sa Maynila,” paglilinaw agad ng binata.
Personal naming kila-la si Ejay. Alam namin na umeekstra-ekstra siya no-on sa mga programa ng GMA-7 courtesy of his ma-nager Benjie Alipio.
Sumasali rin siya sa mga kontes. In fact, naging finalist din siya sa Circle of 10 image model search last year.
Anyway, mas lalong na-shock si Ejay sa tanong ng isang reporter kung totoo raw ba ang tsismis na dati siyang callboy.
“Naku, hindi po totoo ‘yun. Bahala na ang Diyos sa mga taong gustong manira sa akin. Hindi po ako ganu’n,” sagot agad ng binata.
“Ang totoo nga po, virgin pa ako sa babae… virgin pa ako sa lahat,” dagdag pa niya.
Nakausap din namin si Mang Ernie, ang tatay ni Ejay na kababayan namin sa Pola. Masayang-masa-ya siya sa pagkakapanalo ng anak.
Aniya, hindi niya pa-kikiaalaman ang premyo ni Ejay, at hindi rin siya titira sa condo na napa-nalunan nito.
“Para ‘yun sa kanya at sa magiging pamilya niya. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng maliit na lupa sa amin para naman makapagsaka ako kahit matanda na ako,” wika pa niya.
Nakatutuwa naman ang pagbabagong nangyari sa buhay ng pamilya nina Ejay. Sana lang ay huwag magbago ang batang ito, huh! Ibinalita rin sa amin ng binata na nakausap na niya si Benjie pagkatapos ng Big Night.
Related News
No. of Views: 327 views
Tags: ejay falcon, PBB, Pinoy Big Brother
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














