Manager ni Judy Ann Santos hindi takot sa boykot isyu
June 11, 2008
Nakakalokah ang mga nang-ookray ngayon kay Judy Ann Santos.
Nitong mga nakaraang araw ay nag-react ang ta-umbayan sa infomercial ni Juday tungkol sa system loss charge ng Meralco.
Dahil dito, siya ngayon ang pinuputakti ng mga kababayan natin na kesyo hindi raw kasi naiintindihan ng aktres ang hirap na nararanasan ng mga tao ngayon.
May ganitong chorva talaga?
Recently, pati ang ilang sectors na para sa masa kuno ay nagbanta na ring ibu-boycott si Juday.
Ito naman ang foul. Teka, unfair ang lahat ng ito sa aktres, huh.
Kahit ang manager ni Juday na si Tito Alfie ay may comment sa nangyayari.
“Eh, di iboykot nila. ‘Wag na lang tayong lahat guma-mit ng kuryente,” aniya.
Una, nagtatrabaho lang si Judy Ann Santos. Ginagawa lang nito ang dapat niyang gawin nu’ng tinanggap ni-ya ang alok ng Meralco. Kumbaga, ipinaliwa-nag lang ni Juday kung ano ang gustong sabihin ng Me-ralco sa mga tao tungkol sa system loss charge.
Unfortunately, hindi nga lang yata ito naintin-dihan ng mga tao dahil na rin sa sobrang hirap na dinaranas natin ngayon dahil sa ‘greed’ ng Meralco.
Isa pang sentimyento de asukal na aming narinig, dapat daw sana maintindihan ni Juday ang kalagayan ng mahihirap dahil ito mismo ang sumusuporta sa kanya.
Siguro naman naiintindihan ng aktres ang puntong ito dahil galing din siya sa hirap, noh.
Well, kung ating titingnan kasi parang set-up din ng pelikula ang lahat. Nag-kataon lang na si Juday ang artistang kinuha ng Meralco to promote this ‘misleading’ infomercial.
Ginawa lang ni Juday ang trabaho niya. Eh, kaso hindi nagustuhan ng marami, so wala namang magagawa si Juday roon.
Sa totoo lang, lahat ng tao ngayon ay nagtitipid sa kuryente, ‘di ba?
Tama rin ang obserbasyon ng iba, malamang hindi knows ng Meralco na hindi ma-kakabuti sa imahe ni Juday ang paggawa ng info-mercial la-lo pa’t ma-ka-masa nga ang da-ting ng aktres.
Ganun- pama, what else can we do?
Nariyan na ‘yan.
Related News
No. of Views: 125 views
Tags: Judy Ann Santos
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














