Cesar Montano, ipit sa giyerang Sunshine Cruz at Ched
June 16, 2008
WE hate to be pessimistic or judgmental, Ian F. Pero sa kasalukuyang away between Sunshine Cruz and her sister-in-law Ched, na nagkataon pa yatang elder sister ni Cesar (Montano, her husband), mag-demanda man o hindi ang aktres, somehow ay may ideya na ang spectators kung sino ang magiging dehado, lalo na on the actress’ part.
May kasabihan ngang “blood is (always) thicker than water.”
* * *
ACTUALLY, sa labanang ito between Sunshine and Cesar’s sister, si Cesar ang pinakakaawa-awa. Wari mo ay nasa gitna siya ng nag-uumpugang bato.
Sino man kina Sunshine at kapatid niya ang kanyang panigan, tiyak na may sasabihin, ’di lang ang mga taong nagmamasid sa away-pamilyang ito, kundi maging ang pamilya na kanyang papanigan.
* * *
IN fairness kay Sunshine, napakabata niyang nagsimula sa showbiz. Kaya, we in the business, who have followed her career, have an idea tungkol sa kung ano ang kanyang nakaraan.
We’d say na naging matino siyang bata hanggang sa siya’y lumaki at maging isang ganap na dalaga.
Ang tanging kasalanan niya, kung matatawag nga itong kasalanan, ay ang desisyon to take the bold route. Na ’di naman nagtagal dahil she decided to abruptly give up her career to marry Cesar.
Hanggang sa nag-asawa siya kay Cesar, ipinagmamalaki ni Sunshine na she was a virgin.
Actually, the only taga-showbiz na na-link kay Sunshine was Raymart Santiago, when both of them were still teenagers pa.
Of course, Raymart is now happily married to Claudine Barretto.
They have two kids, their biological son, Rodrigo Santino, and their adopted daughter, Sabina.
Related News
No. of Views: 181 views
Tags: Cesar Montano, Sunshine Cruz
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














