Dingdong Dantes wild ‘pag nalalasing
June 16, 2008
Hataw talaga si Dingdong Dantes ngayong 2008. Sunud-sunod ang kanyang mga grand press launch sa mga bago niyang endorsements.
Pagkatapos ng Bench Body at Medicol ay heto naman siya ngayon para sa Gran Matador brandy. And also this June ay magkakaroon siya ulit ng isa pang bonggang press launch para sa Mario D’ Boro shoes naman.
Hanep!
Aminado si Dingdong na umiinom siya. At talaga raw paborito na niyang inumin ang Gran Matador bago pa siya naging endorser nito.
Umiinom daw siya for relaxation especially after a hard day’s work. Nakainuman na niya sina Richard Gutierrez at Dennis Trillo na parehong nagi-endorse ng competitive brands.
Aminado siya na nag-iinit talaga ang katawan niya kapag nakakainom siya. Nagiging sweet talker daw siya at malambing. At kadalasan daw ay naghuhubad siya ng damit dahil sa init at naghahanap siya ng swimming pool.
“You would like me better when I’m drunk!” pahayag pa ni Dingdong na pinag-init ang mga bading na press.
Naalaala pa niya noong nag-celebrate siya ng kanyang 21st birthday ay sumobra ang kalasingan at kinailangan pa siyang dalhin ng friends niya sa ospital.
That time ay si Antoinette Taus pa ang GF niya na.
* * *
Ibinalita ni Nelson S. Elises (VP Ginebra San Miguel) na may makakasamang artistang babae si Dingdong Dantes sa future TV commercials ng aktor para sa Gran Matador brandy.
Isa rin daw itong Kapuso. Ang hula namin ay si Marian Rivera ito.
Napangiti lang si Sir Nelson dahil mukhang nabasa namin ang iniisip niya. Anyway bongga ang Gran Matador, kasi first time na magkakasama sina Dingdong at Marian sa isang TV commercial if ever!
Sa teleserye nilang Dyesebel ay ipinapakita na rin ang Gran Matador na hawak-hawak ni ‘Fredo.’
Ayon naman kay Dingdong, kung si Karylle ang kukunin ng Gran Matador para makasama niya sa TV commercial nito ay hindi naman daw siya aangal.Pero parang malabo raw mangyari ‘yun kasi non-drinker daw si Karylle at dapat mag-stick ka sa “truth in advertising”.
Dinenay rin ni Dingdong na nagiging selosa na si Karylle lately kaya panay ang pagpapa-sexy nito para hindi makuha ng ibang babae ang atensyon niya.
Unang-una na raw, walang dapat ika-insecure si Karylle dahil ito lang daw ang mahal niya. At pangalawa dati na raw sexy si Karylle at he likes it very much!
* * *
Pinaghahandaan na rin nang husto ni Dingdong ang pinakahihintay na underwear show ng Bench ngayong July.
Kaya pala tinanggal na ang naglalakihang Bench Body billboards ni Dingdong ay dahil papalitan na ito ng mga bago.
Tapos nang mag-photo shoot si Dingdong para sa undewear show promo. At ngayong June na ilalabas ang mga bagong sexy underwear billboards ni-ya.
Sa isyung tinalbugan siya sa paseksihan sa sexy underwear billboards ni Jon Avila para sa Bench, walang comment si Dingdong. Kanya-kanya lang naman daw ang taste ng tao. May nagkakagusto sa billboards niya at may tyupe rin ang kay Jon.
Related News
No. of Views: 397 views
Tags: Dingdong Dantes
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














