Pinoy Idol vs. Pinoy Dream Academy
June 17, 2008
Natanggal na ang paborito ng gay press (during the launch of the Final 24) na si JJ, Jr sa Pinoy Idol noong Linggo. Sadly, hindi siya nakapasok sa pinakaasam-asam na Final 12. Maski kami ay nahulaan na namin na it’s just a matter of time bago siya mapa-tsugi sa Pinoy Idol kasi wala naman siyang ipinapakitang bago sa performance niya week after week.
Sad to say, mukha lang niya ang kanyang puhunan at kulang pa siya sa talento sa pagkanta to make it sa Pinoy Idol.
Ganun din ang sitwasyon ni Daryl Celis na nakasama ni JJ sa bottom 2 last Sunday. Cute lang siya pero kadalasan ay sintunado siya kung kumanta. Hindi na kami magtataka kung sakaling siya na ang susunod na matatanggal after JJ.
Samantala ang fave namin during the presscon ng final 24 na si Ram Chaves ay panay lagi ang natatanggap na papuri sa tatlong judges na sina Ogie, Jolina at Wyngard.
Kasi naman bigay todo ang performance niya every week. Gusto rin namin sina Robby Navarro at Kid Camaya na parehong Kampampangan. Tulad ni Ram, malakas ang chance nila na manalo.
This only proves na matalino na rin ang audience natin ngayon. Hindi na sila basta-basta nabubulag ng kagwapuhan o kagandagan.
Ang binoboto nila nga-yon ay kung sino talaga ang may talent. And for that we applaud them!
* * *
Naging very emotional naman ang mga napiling scholars sa pagbubukas ng Pinoy Dream Academy season 2 noong Sabado.
Halos lahat ng tinawag ni Ryan Cayabyab na papasok sa PDA ay napai-yak sa sobrang kasiyahan na hindi na nila magawang kumanta nang matino sa kanilang solo number.
So far, ang early favorites namin ay sina Hansen Nichols (cancer survivor), Van Pojas (heartthrob ng Cebu), Chivas Malunda (student husband), Jet Singh (videojock) at Iñaki Ting (student ng Pasig).
Pasok din sa PDA sina Jay “Bugoy” Bogayan (‘yung farmer na naging janitor na madalas lang kantahan ang mga kalabaw), Michelle Belmonte (‘yung pasaway na stand-up comic na mala-Ethel Booba ang attitude), Apple Abarquez (‘yung kinagisnan na mga magulang ay isang lesbian couple) at Christian (‘yung 25yo na unano na mala-Michael Jackson ang boses).
Sila naman ang sa palagay naming ang magbibi-gay “kulay” sa loob ng PDA House.
Samantala, gusto kong gupitan ng buhok si Jun Ross Dio dahil sobrang haba na ng kanyang buhok. Feeling niya siguro ay siya si Joey Gene-roso (lead singer ng Side A).
But in fairness, napakaganda ng boses niya! Isa pa puro Inglisan nang Inglisan ang mga scholars (sa pangunguna ni Hansen) sa kanilang pagsasalita.
Napansin namin na naa-out-of-place tuloy si Bugoy na hindi carry na mag-Ingles! Tahimik din si Van na mas gusto siguro na mag-Bisaya na lang.
Unang obserbasyon namin, mukhang mas magagaling kumanta ang karamihan sa mga PDA scholars sa Pinoy Idol contenders.
Pero aminado kami na big fan kami ng dalawang singing reality show at sinusubaybayan namin ang mga ito everyday.
* * *
Nagsimula na ang classes ng scholars sa loob ng PDA house noong Lunes. Sa mga music students ay very interesting itong classes na ito at marami silang matutuhan nang libre sa pamamagitan lang nang panonood ng live streaming ng PDA sa TV.
Pero sa tipikal na TV viewer super boring ang panonood ng classes na ito lalo pa’t ito na lang ang mapapanood nila araw-araw.
In this aspect kung bakit mas interesting talagang manood ng PBB kasi iba-iba at bago nang bago ang napapanood araw-araw.
Sa totoo lang, interesado lang kaming panoorin ang PDA tuwing performance night nito tuwing Sabado kung saan ipapakita ng bawat scholar ang natutuhan nila sa loob ng PDA para lalo pa nilang mapagaling ang kanilang pagkanta!
Hinihintay lang namin ang pagpasok ng classes ng Little Dreamers at malamang mas maaliw kami sa panonood sa mga batang mang-aawit!
Related News
No. of Views: 319 views
Tags: PDA, Pinoy idol
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














