Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo may “LQ”

June 18, 2008







Sari-saring espekulas-yon ang kumakalat nang biglang umuwi si Ryan Agoncillo sa Pilipinas at naiwan na lang si Judy Ann Santos sa Europe para tuparin ang commitments nto roon.

Maski ang manager mismo ni Juday na si Alfie Lorenzo ay nagtataka kung bakit biglang umuwi si Ryan sa Pilipinas. Rason daw kasi ni Ryan ay may family emergency raw ito kaya kailangan nitong umuwi.

Pero, katwiran naman ni Alfie, maiintindihan daw niya kung ang mismong mga magulang ni Ryan ang nagkasakit. Kaso, ang balita niya ay isa raw sa ka-mag-anak lang nito ang may problema.

Anyway, napapansin din daw ni Alfie na hindi masyadong nagdididi-kit sina Juday at Ryan sa kanya sa mga kalakaran nila sa Europe.

Kaya kung may sikreto raw ang dalawa ay hindi niya batid kung ano ‘yun.

Medyo ‘inis’ nga raw si Alfie sa kanyang ala-ga dahil ayaw nitong magbigay ng comment tungkol sa isyung pambuboykot daw ng concerned citizens group na VACC sa projects ni Juday dahil sa paggawa nito ng Meralco infomercial.

Anyway, tatapatan daw ng pagpirma ng 1M signatures ng fans ni Juday ang boycott crusade na ito.

Next month pa pala ma-kauuwi si Juday sa Pilipinas para harapin ang lahat ng intrigang ipinupukol sa kanya ngayon, kasi may commitments pa raw ito hanggang July 4 sa Europe.

Well, see you then, Juday!

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

KC Concepcion
Mylene Dizon
Bianca_Gonzales_524
Nancy Castiglione
Ara_Mina_650
Kathleen Hermosa

 


Comments

Got something to say?





Advertiser