Annabelle Rama galit kay Pokwang
June 20, 2008
Usap-usapan sa showbiz ang galit ni Annabelle Rama kay Pokwang dahil sa ginawang pang-ookray ng komedyana kay Raymond Gutierrez sa show nila ni Pooh last Friday sa Music Museum na Poohkwang.
Maselan ang joke ni Pokwang dahil may kinalaman sa gender, kaya as expected, nagalit si Tita Annabelle, na noon pa’y talagang kilala sa pagtatanggol sa kanyang pamilya.
Sa galit diumano ni Annabelle ay pinatatanggal pa niya si Pokwang sa movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion sa Star Cinema.
Sa presscon ng Tanging Ai-Ai…In Concert ni Ai-Ai de las Alas last Wednesday night, natanong ang Comedy Concert Queen kung ano ang opinyon niya sa ginawa ni Pokwang since iniidolo siya ng komedyana at pareho sila halos ng istilo sa pagso-show.
“May mga ano sa industriya kasi, may mga taong hindi mo binabangga, alam mo ’yun? Alam mo naman na ’pag medyo nakaka-offend ka na, huwag mo nang bibitawan.”
Siya raw, maraming beses na tumatanggi sa mga script na ibinibigay sa kanya para balahurain ang isang tao.
Kahit sabihin pang joke ’yun, alam niya raw kapag medyo hindi na magandang biro.
Sa awa ng Diyos, sa 18 years niya sa showbiz, wala pa naman daw siyang nakakaaway o ’yung sabihing na-offend sa kanyang joke.
“Kasi, ano ’yun, eh, depende sa delivery, at siguro, lisensiya rin. May mga lisensiyadong taong gumawa nu’n. Like Joey de Leon, kahit ano gawin niya, puwede. Siguro ’yun. License. Lisensiya na gawin mo ’yun. Ang hirap i-explain, pero may mga taong gumagawa ng ganu’n na hindi ka nagagalit, eh.”
Sa madaling sabi, wala pang lisensiya si Pokwang.
Pero ang maipapayo na lang ni Ai-Ai sa kapuwa-komedyana, mag-apologize na lang ito kay Annabelle at magpakumbaba para maayos na.
Samantala, first time naman na makakasama ng Comedy Concert Queen si Richard Poon sa Tanging Ai-Ai…In Concert na gaganapin sa August 2 sa Zirkoh.
Nababalitaan daw niyang magaling ito at tinatawag na “Michael Buble of the Philippines,” pero ngayon pa lang sila magkakasubukan.
Bukod kay Richard, guests din ni Ai-Ai sina Erik Santos, Sex Bomb at Superstars (Ate Gay, Arnel Tamayo at Rommel Chikka).
Related News
No. of Views: 255 views
Tags: Annabelle Rama, KC Concepcion, Richard Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
2 Responses to “Annabelle Rama galit kay Pokwang”
Got something to say?















Bea, ang laki laki talaga lahat sa iyo-plastikada ka pa. Bagay kayo bestfriend ni Shaina-mga maldita.
Mga fans ni Jhon Lloyd,kilatisin nyo muna ugali ng iniidolo nyo. Bastos sa matanda at sa mga babae. Masyadong bilib sa sarili. Ni hindi nya maabot ang naabot ni Aga.
Si Pokwang , kahit kelan, di naging maingat sa mga jokes nya. Walang sense of professionalism. Tama si AiAi, ala kang karapatan sa ginagawa mo dahil you are nothing but a second great, trying hard copy cat.
MAke ur own style, or kung ala talaga, stop it kasi yung mga ganyang attitude ang di nagtatagal sa showbiz. Be humble, kasi ang yabang yabang mo na. MAs madami pa sikat sa iyo but they keep their feet on the ground. E.G: Allan K, Arnel I, Phillip LAzaro,AiAi, Kaye Brosas at ibp. Pero ala silang na-offend kasi professional sila. Pang karnibal lang talaga ang talent mo-kung meron mang talent.
Sana okrayin ka din ng mga katulad mo na stand-up comedian. Sana gayahin nila kung gaani kalaki bibig mo at gaano kalaki boses mo. BADING>>>>>>>>>>>>