Judy Ann Santos di dapat sisihan sa Meralco Ads

June 20, 2008







Sang-ayon man tayo sa mga kilos laban sa napakataas na singil sa kur-yente, hindi naman natin masisi itong si Judy Ann Santos na ginamit ng Me-ralco upang ipaalam ang side nila sa kontrobersya.

Itong si Juday ay isang professional. Siguro ipok-rito lang ang tatanggi sa P4 million daw na ibinayad sa dalaga sa sandaling komersyal na iyon.

Nakaiinis man, sapag-kat parang insulto na sa ating katalinuhan ang ad, pero hindi dapat sisihin si Juday dahil trabaho lang ang sa kanya, at walang personalan.

Makatatanggi ba siya kung ang mismong mga big boss na niya ang nag-utos, eh, ‘di para siyang nagtampo sa bigas.

Ang maganda siguro ay manahimik na lang ta-yo kay Juday at pag-isipan na lang kung papaano ma-tatapatan ang napakaga-ling, pero simpleng propaganda na ginawa ng Meralco.

Bagamat mababaw, tumimo nang husto ang patalastas dahil isang iginagalang at sikat na aktres ang ginamit. At pinaigting pa nang “sakyan” natin.

Akalain ba namang kumakagat tayo sa isyu na ti-la sadyang inihain sa atin para sakmalin. Kaya nang umalma tayo, tagumpay sila — dahil mas pinalaki natin ang isyu sa pagpuntirya kay Juday.

Mag-isip na lang sana tayo ng ibang paraan, iyun marahil mas malalim-lalim, o kaya’y mas mababaw, upang maipaliliwa-nag sa bayan na maling example ang tumutulong yelo. Alalahanin natin na ang isyu ay ang napakataas na singil ng Meralco, hindi si Juday.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Joyce So Picture Gallery
KC Concepcion
Anna Leah Javier
Assunta de Rossi
ehraM_0806_07
Riza Santos Photo Gallery

 


Comments

Got something to say?





Advertiser