Kalayaan ni Ces Drilon, higit pa sa P15M

June 20, 2008









HIGIT pa sa P15 milyon ang kapalit ng kalayaan ng ABS-CBN senior correspondent na si Ces Drilon at dalawang cameramen na sina Jimmy Encarnacion at Angelo Valderama.

Matutumbasan ba ng gaano kalaking halaga na makita sina Ina Reformina ng ABS-CBN-2 at Raffy Tima ng GMA-7 na “magkahawak-kamay” sa coverage na iisa ang layunin, ang kalayaan ng mga kapatid sa hanapbuhay?

Mapipresyuhan ba ang news footage na ipinahiram ng ABS-CBN sa GMA news at sa kapatid nitong Q-11? Paano tutumbasan ng salapi ang sympathetic na tono ng GMA-7 sa pagbibigay ng balita tungkol sa nakidnap na news team ng ABS-CBN?

Natunghayan natin ’yan sa 24 Oras nina Mike Enriquez at Mel Tiangco, gayundin ang napanood natin sa News on Q nina Ivan Mayrina at Rhea Santos.


Kalimutan na natin ang P15 milyon na diumano’y hininging ransom ng mga mga kidnaper. Kalimutan na natin kung nagbigay man o hindi ang management ng ABS-CBN ng ganu’n kalaking halaga. Kalimutan na natin kung hanggang ngayo’y may nakabitin pa sa husgadong demandahan ng dalawang higanteng broadcast network na ito at kung nandaya man o hindi ang GMA-7 sa pagpapalabas ng ratings.

Kalimutan na natin kung hanggang ngayon ay may iringan pa ang grupo ng Wowowee ni Willie Revillame at Joey de Leon ng Eat Bulaga. Kalimutan na natin kung nasaktan man o hindi ang GMA sa pag-alis ni Angel Locsin.

Kalimutan na natin kung press release man o totoo na diumano’y tinatalo ng Showbiz Central ang The Buzz. Kalimutan na natin kung press release man o totoo na tinatalo ng Gobingo ni Arnell Ignacio ang Wheel of Fortune ni Kris Aquino.

Ang lahat ng ’yan ay walang saysay. Ang mahalaga, nagkasundo ang rival networks na ito sa panahon ng kagipitan.

Kulang nga ang P15 milyon na ransom para sa kalayaan nina Ces, Jimmy at Angelo.

Ang mahalaga, naipadama ng GMA ang tibok ng kanilang puso sa nagigipit na kapamilyang ABS-CBN.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Joyce So Picture Gallery
Ara_Mina_651
jenny_hernandez_1
Joyce So Picture Gallery
Roxanne Guinoo
Joyce So Picture Gallery

 


Comments

Got something to say?





Advertiser