Kasalang Judy Ann Santos - Ryan Agoncillo, simple at pribado

June 20, 2008







SA wakas ay kinumpirma na rin nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na engaged na sila. Lumabas ang pag-amin ng dalawa sa July issue ng Yes! Magazine sa isang tell-all interview sa magkasintahan.

Detalyadong ikinuwento ng dalawa ang ginawang pagpo-propose ni Ryan at ang pagbibigay nito ng diamond ring sa mismong araw ng birthday ni Juday noong May 11 sa harap ng mga kaibigang sina Beth Tamayo, director Dante Garcia at iba pang closest friends.

Isinikreto ni Ryan kay Juday at maging sa mga kaibigan ang binabalak na proposal sa girlfriend. Pero nagpatulong talaga itong bumili ng diamond ring sa asawa ni Beth na si Johnny Wong.

Sa Hong Kong pa binili ang nasabing singsing sa tulong ng pinsan ni Johnny na nasa HK.

Hanggang sa dumating na nga ang celebration ng birthday ni Juday sa Antulang Beach Resort, Dumaguete City.

Itinaon ng aktor-TV host na eksaktong pagpitada (alas-dose ng hatinggabi) ng May 11 niya ibinigay ang diamond ring sabay propose.

Lumuhod si Ryan sa harap ni Juday at ang eksaktong sinabi ay “will you marry me?”

Ang una namang isinagot ng aktres ay “seryoso ka ba?” at maya-maya’y sumagot ng “yes, of course!”

That moment, napaiyak daw ang mga kaibigan ng dalawa.

Pero sa kabila nito, wala pa ring date ng wedding na nasabi sina Juday at Ryan.

Ayon sa aktres, baka nga ito ang maging longest engagement, dahil paplanuhin muna nila ang lahat sa kasal.

Kung sakali, simple wedding lang daw ang gusto nila.

“At saka very private and very solemn,” say pa ni Ryan.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Anna Leah Javier
Asia Agcaoili
Katrina Halili
Cassandra_Ponti_511
Megan Fox picture gallery
Phoemela Barranda

 


Comments

Got something to say?





Advertiser