Kris Aquino di pinayagan ni James Yap mag shooting with Ai-ai
June 26, 2008
NAKARATING na kay Ai-Ai de las Alas ang tsikang hindi pinayagan ni James Yap na lumabas (cameo role) sa kanyang Ang Tanging Ina N’yong Lahat ang misis na si Kris Aquino, kaya na-pack-up ang shooting.
“‘Day, nakalolokah! Feeling ko, itinatago nila (ng staff) ang dahilan. ’Yan din ang narinig ko, hindi nga raw pumayag si James.
“Ang ganda pa naman ng eksena ni Friendship (tawag niya kay Kris) du’n, dahil gaganap siya as herself. Shooting ang eksena kung saan may stunt si Kris, ako kunwari ang dodobol sa kanya.
“Imagine, Biyernes ako umalis palipad ng London, dumating ako, Sabado. Sunday, nag-show ako, tapos, kinabukasan, lipad na rito pabalik.
“Tapos, biglang magte-text sa ’kin, pack-up ang shooting? Kung alam ko lang talaga na gano’n ang mangyayari, nag-extend pa sana ’ko para makapamasyal. Nabuwisit talaga ’ko!”
Kung totoong hindi pinayagan ni James si Kris, ibig sabihin, hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob sa kanya ng basketeer?
“Ewan ko sa kanya. Ayoko nang mag-comment tungkol diyan kay James Yap. Itanong n’yo na lang sa ’kin si James Taylor o kaya ay si James Dean. Kahit ’yung nagtitinda ng yosi riyan sa kanto na si Mang James, sasagutin ko.
“Juice ko, humingi na nga ako ng sorry sa kanya noon, tapos, hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move on?”
Kung matatandaan ay ’di sinasadyang nabasa ni James ang text message ni Ai-Ai kay Kris na ikinainit ng ulo nito.
Nagdayalog pa si Ai-Ai ng, “Hay, naku, friendship, ibalik mo na ’yang dyowa mo sa mga magulang niya!” na labis pang ikinairita ng basketball player.
“Pero nag-sorry na ’ko sa kanya, ano pa ba’ng gusto niya?”
Related News
No. of Views: 562 views
Tags: James Yap, Kris Aquino
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
One Response to “Kris Aquino di pinayagan ni James Yap mag shooting with Ai-ai”
Got something to say?















Kris Aquino di pinayagan ni James Yap mag shooting with Ai-ai | Pinoy Showbiz Entertainment Portal…
Kris Aquino di pinayagan ni James Yap mag shooting with Ai-ai…