Kris Aquino naglayas!
June 26, 2008
WE learned from a confidante of Kris Aquino na bumalik na sa bahay nila sa Valle Verde, Pasig City, ang TV host-actress at mga anak na sina Joshua at Baby James.
The same source revealed that after a brief “battle royal,” Kris did transfer to a plush condo-hotel sa Ortigas, Pasig, for one or two days.
Ganunpaman, upon the advise ng kanyang mommy, former President Cory Aquino, nag-relent siya at nag-decide na umuwi na.
According to Kris’ K-text, she and James are currently undergoing marriage counseling upon the advise pa rin of her mom.
Is there a third party involved (again) sa away nila? tanong namin sa aming source.
After all, ’di nga ba at noong buntis pa si Kris kay Baby James, may iskandalong yumanig sa buong showbiz at sports world, dahil sa pag-surface ng isang dating nagtatrabaho kay Dra. Vicki Belo at pagku-confess nitong nagkaroon sila ng affair ni James?
“Ewan ko,” sagot ng aming kausap. “If there is a third party, tiyak na hindi si Kris ang involved.”
James daw also resents some of Kris’ friends, kahit ’yung mga dati nang kaibigan nito na close sa kanya ’di pa man dumarating si James sa buhay niya.
Pati raw actuations ni Kris sa kanyang show ay pinapansin na ni James. Halimbawa raw, tulad noong minsang mag-guest sa Boy & Kris si Diether Ocampo.
In fairness kay Diet, isa siya sa iilang malinis tingnan sa mga taga-showbiz. ’Yun bang tipong akala mo’y laging bagong paligo.
Well, pinuna raw ito ni Kris at tipong ninamnam pa ang amoy ni Diet.
Eh, napanood daw pala ni James ang naturang episode. Naging dahilan tuloy ito para sitahin niya si Kris pagdating ng bahay.
Related News
No. of Views: 460 views
Tags: Kris Aquino
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














