Maui Taylor not happy with Presious Adona’s acting

June 26, 2008









FEELING ni Maui Taylor, na-edit-out ang breast exposure niya sa pelikulang Torotot ng Viva Films para makapasa sa MTRCB (Movie and Television Review Classification Board) at mabigyan ng R-13 na classification.

“Hindi ko lang alam kung anu-ano lahat ang mga na-edit-out, pero ang alam ko, nabawasan. ’Yung part na kitang-kita ang boobs ko, hindi ko na masyadong nakita, eh, so baka pati ’yun, na-edit-out. Kasi nga, bawal sa SM (cinemas),” kuwento ni Maui.

Bukod sa breast, may butt at back exposures din siya rito at nakipagpatalbugan sa baguhang Viva sexy star na si Precious Adona sa sexy at daring scenes.

Hindi ba siya nati-threaten sa ingay ng dating ngayon ni Precious?

“Ako, kasi, I had my time. Kumbaga, Viva’s launching another star. Nu’ng in-offer kasi sa akin ito, sabi nila, we need your help. So, sabi ko, okay. I don’t feel threatened at all.

“Kasi para sa akin, I made my mark, eh, ’di ba? I’ve had my time. And basically, kung paano siya nilo-launch ngayon, pareho lang naman nu’ng sa akin noon. So, there’s no need to feel threatened,” Maui said.

Willing daw siyang sumuporta sa mga baguhan dahil nu’ng time niya, sinuportahan din naman siya ni Rica Peralejo. Ganu’n lang naman daw, give and take.

How does she assess Precious?

“I hope she makes it, kasi I don’t want her to feel na naghubad siya for nothing. Kasi nu’ng una, naiisip niya ’yun eh. Na baka masayang lang, ganito. She was planning to join Bb. Pilipinas nga this year, pero hindi na puwede kasi nag-FHM na siya at nagpa-sexy pa sa film. So, I hope she makes it.”

Kumusta naman ang acting ni Precious since nakaeksena niya ito?

“She needs improvement on her acting,” prangkang sabi ni Maui . “Kailangan pa. Kasi, maraming eksenang ang dami nilang takes, na nakatengga kami nina Baron. She needs more workshop. ’Yun lang talaga ang advice na maibibigay ko sa kanya. Kasi, sa kaseksihan naman, kaya naman niyang um-effort. So, ano lang, more pa sa acting.”

Samantala, hiningan naman namin ng reaksyon si Precious sa sinabi ni Maui at aminado ang newcomer dito.

“Opo, actually, kailangan ko pa ng workshop. I was planning to study sa PETA, mga ganyan, para ma-enhance naman ang acting skill ko,” sabi ni Precious.

Hindi niya minamasama ang advice ni Maui dahil alam niyang first time pa lang niyang magkaroon ng acting experience. She takes it positively dahil gusto rin niyang matuto talaga.

Ipalalabas na ang Torotot sa July 23 mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Bianca Araneta
Jocelyn Oxlade
Asia Agcaoili
Asia Agcaoili
Marian Rivera Picture Gallery
Sunshine Cruz

 


Comments

One Response to “Maui Taylor not happy with Presious Adona’s acting”

  1. www.coolpinoysites.com on June 30th, 2008 11:39 pm

    Maui Taylor not happy with Precious Adona’s acting | Pinoy Showbiz Entertainment Portal…

    Maui Taylor not happy with Precious Adona’s acting…

Got something to say?





Advertiser