Monster Mom ni Ruffa Gutierrez at Anabelle Rama magiging monster hit
June 26, 2008
PATI si Eugene Domingo na kasama sa cast ng My Monster Mom, nagbigay din ng testimony sa mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez sa nakaraang presscon for the movie.
’Kakatuwa ang mga ibinahagi niyang kuwento sa mag-ina habang ginagawa nila ang movie.
Ani Eugene, kung ano ang mga eksena nina Ruffa at Annabelle sa pelikula, wala itong pagbabago sa totoong buhay.
“Minsan nga, hinahanap ko ang camera kapag nag-uusap sila dahil akala ko, nagti-take, ’yun pala, talagang nag-uusap sila. Wala kasing ipinag-iba sa mga eksena nila,” kuwento ni Uge (palayaw ni Eugene).
“Inilaglag” din niya si Annabelle nang sabihing sa tinatapang-tapang ng ina ni Ruffa, takot daw pala ito kapag sinasabi na ng direktor ang mga salitang “5,4, 3, 2, 1…action!”
“But on the third day, mas mahusay na siya sa aming lahat. Sinasabihan niya si Ruffa kung paano mag-attack ng karakter. Sinasabihan niya si Ruffa kung kelan magde-deliver,” patuloy na kuwento ng komedyana.
Minsan naman daw, sinabihan ni Ruffa ang ina na “mom, lakihan mo nga ang mata mo, you look so sleepy!”
Sinagot naman daw ito ni Annabelle ng “’Day, huwag kang mag-alala, balikat lang ang nakikita sa akin, sinabi na sa akin ni Direk (Joey Reyes).”
Tawanan ang lahat.
Pero ayon kay Uge, nag-enjoy talaga siya sa shooting ng My Monster Mom at sana raw, maging monster hit ito sa takilya sa pagsisimula ng showing nito sa July 2.
Related News
No. of Views: 225 views
Tags: Anabelle Rama, Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














