Topless billboard ni Angel Locsin sa EDSA pinag-iinitan ng mga moralista
June 26, 2008
Bongga ang naglabasan na naglalakihang billboards ni Angel Locsin para sa Folded & Hung sa kahabaan ng EDSA.
Aba, topless si Angel at wala siyang suot kundi jeans.
Tinakpan lang ng kanyang mga kamay ang malulusog niyang boobs at ipinakita niya ang kanyang flawless na likod.
Titingnan namin kung matatalbugan ba ito ni Marian Rivera sa billboard nito for Jag naman kung saan galing si Angel.
Nagkaroon ng bonggang media launch si Angel for Folded & Hung sa Trinoma Activity Center. Pinantayan niya ang bonggang media launch ni Dingdong Dantes for Bench Body a few months ago sa same venue!
Nag-enjoy kami nang husto sa itinanghal na dance-fashion show, kasi umiindak din ang models habang rumarampa sila on stage.
At sa totoo lang, bilib kami sa designs ng Folded & Hung apparel, mapa-babae o mapalalaki.
Sosyal ang dating ng mga ito (na tipong isusuot mo kung pupunta ka ng Embassy, The Fort) at very affordable pa.
Isang feast to the eyes nga nang finally ay lumabas si Angel ng stage habang may walong shirtless na napaka-kikisig at guguwapong male models ang nakasunod sa kanya sa pagrampa.
Angel is really a star to behold!
Pero, ano itong balitang may isa raw grupo ng mga moralista na ngayon pa lang ay gusto nang ipatanggal ang topless billboards ni Angel sa kahabaan ng EDSA?
By the way, sinundan ni Angel sina Claudine Barretto at Maja Salvador bilang female celebrity endorsers ng F&H. Samantala si Joem Bascon naman ang latest male celebrity model ng F&H after Polo Ravales.
Gandang-ganda rin kami sa malaking billboard ni Joem sa EDSA kung saan aninag na aninag din ang maganda niyang pangangatawan. Wish lang namin na ipasok din ni Tita Becky Aguila si Andrew Wolf sa F&H, kasi wala na ito sa Bench Body.
Eh ang ganda-ganda ulit ngayon ng katawan ni Andrew. Bagay na bagay sa F&H.
Related News
No. of Views: 1,307 views
Tags: Angel Locsin
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
3 Responses to “Topless billboard ni Angel Locsin sa EDSA pinag-iinitan ng mga moralista”
Got something to say?















hi!angel i like your folded & hung model you know u r number sexy in the pinay artist wala ng iba kundi ikaw, coz ur so young and sexy girl, sana madami ka pang movies sabihin mo ang ABS CBN na gumawa ka ng magagandang pelikula at pagmomodel coz ur so beutiful talaga!!! at ang ganda mo talaga!!!
i just want to say that ur really sexy and beautiful. dedma kna lng sa mga moralista ek ek na yan. inggit lng sila.
I lv u super Angel! U r the best in LOBO. Sobra hanga ko sa galing na acting. Ingat.