Angelica Panganiban nai-insecure kina KC Concepcion, Angel Locsin?

July 2, 2008









Ang laki ng ipinayat ni Angelica Panganiban nang makita namin siya sa press launching nila ni Dingdong Dantes para sa Mario D’ Boro shoes.

Lumiit tingnan ang mukha niya at bumagay sa kanya ang short hair niya. She’s down to 105 lbs na lang daw.

Dati, ang peak weight niya ay 128 lbs. nu’ng 16 years old daw siya. She’s turning 22 years old this year.

She made a big splash last year when she did A Love Story with Aga Muhlach kaso hindi kaagad ito binigyan ng follow-up ng ABS-CBN at Star Cinema kaya nasayang ang momentum.

This was the time na nag-ober-da-bakod si Angel Locsin sa Dos kaya naman napunta lahat ng atensyon ng ABS kay Angel. At dahil dito balitang naghinanakit si Angelica at na imbiyerna nang husto kay Angel at sa ABS-CBN.

“Hindi po totoo ‘yan. Wala akong karapatan na maghihinakit sa ABS-CBN o kaninuman kasi artista lang naman nila ako. Sila ang bahala kung sino ang gusto nilang bigyan ng projects. Basta ako, naghihintay lang ng para sa akin.

“Hindi totoong nagaga-lit ako kay Angel. Actually friends nga kami. Maski ‘yung pagpasok ni KC Concepcion ay okey lang sa akin. Dapat tanggapin natin ang mga ba-gong Kapamilya. Let us make them feel welcome,” katuwiran ni Angelica.

May bago siyang te-leserye sa Dos. Ito ‘yung Iisa Pa Lamang na comeback vehicle ni Gabby Concepcion sa TV. Masuwerte na siya dahil nakasama siya sa bonggang cast nito which includes Claudine Barretto and Diether Ocampo. Maldita ang role ni Angelica sa Iisa Pa Lamang bilang asawa ni Diet.

Sa totoong buhay, going strong pa rin ang relasyon nila ni Derek Ramsey. Two years na sila and she’s lucky dahil hindi raw babaero si Derek unlike other actors.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Bea Alonzo
Alicia Mayer
Mary Jean Maycon
Marian Rivera Picture Gallery
Joyce So Picture Gallery
Diana Zubiri

 


Comments

Got something to say?





Advertiser