Claudine Barretto, Diether Ocampo naglasing para ma-take ang kanilang love scenes
July 2, 2008
Matagal na ring magkaibigan sina Claudine Barretto at Diether Ocampo.
Nakita namin kung paano nag-umpisa ang friendship ng dalawang ito (sa Mula sa Puso days pa) na akala namin noon ay mag-kakadebelopan, ‘yun pala, platonic lang talaga ang kanilang relasyon.
Back in MSP at kung ano pang hits ni Wenn Deramas noon sa takilya ay magkasama na sina Diet at Clau. Ngayon, together again sila sa isang teleserye. Ang ganda ng plot at location nito, in fairness.
Nabalitaan namin na para hindi magkailangan ay kinailangan pa raw uminom ng wine nina Claudine at Diet bago kunan ang kanilang love scene.
Sobrang close ang dalawa at parang magkapatid ang turingan kaya medyo nahirapan diumano si Clau sa love scenes with Diet.
Pero, nairaos nila ang love scenes nang maayos nang parehong malasing.
Salamat sa wine.
Related News
No. of Views: 244 views
Tags: Claudine Barretto, Diether Ocampo
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














