Willie Revillame may bagong babae

July 2, 2008







May lovelife ba si Willie Revillame ngayon?

Ito ang pinag-uusapan sa halos lahat ng umpukan dahil na rin ipinakita sa isang news program na may ka-date si Papi sa isang affair ng Star Magic na ginanap sa isang hotel kamakailan

Kung ating mapapansin, matapos ang kontrobersyal niyang relasyon at ang hiwalayan blues nila ni Liz Almoro, ngayon lamang ulit nakipag-date si Willie at ipinakita na niya ito sa publiko.

In short, mukhang handa na ulit si Papi na ipa-alam na hindi siya habang buhay magiging single.

Sa totoo, lang, sa klase ng pamumuhay na meron si Willie, he deserves to have someone na mamahalin at aalagaan siya.

Nakatutuwa ngang pagmasdan si Papi, tipong it’s never to late pa pala para makakita ng taong magpapasaya muli sa kanya sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya lalo na sa pakikipagrelasyon.

Mukhang modelo ang girl na ka-date ni Willie sa event na ‘yun.

Komento pa ng isang kaibigan sa panulat. Magkahalong Angelu de Leon at Princess Punzalan daw ang kumbinasyon ng features ng babaing ka-date ni Papi.

Kung ganoon, mukhang ito nga ang mga tipo ni Willie. ‘yung mga demure at conservative type na girl na pambahay talaga. ‘Yung wife material ang ibig naming sabihin, pero may class. Ganoon po ‘yun.

Anyway, mabuti naman daw ang pakiramdam ni Papi ngayon.

Ayon pa sa isang ma-lapit sa TV host, executive check up ang isinagawa kay Papi at doon din napag-alaman ang mga problema nito sa bituka. Marahil dala ng sobrang stress at hindi pagkain ng tama sa oras.

Mabuti na lang at ka-ya pa itong maagapan ng gamot at walang operas-yon na kailangang gawin.

Isang dapat ingatan ni Willie ay ang kanyang puso. As in, ang kanyang heart condition dahilan napag-alaman ding may bara ang isang artery nito. Pero kaya pa ring agapan ng gamot at hindi kailangan ng surgery. Tamang pangangalaga lang sa sarili ang ibinilin ng mga dok-tor sa TV host.

Sa TFC subscribers sa New Jersey, nariyan ang Wowowee sa Boardwalk Hall Atlantic City sa July 12 (special day po ito sa amin), watch po kayo, ha!

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Angela Velez
normal_hazel_ann_mendoza_02.jpg
Nicole Hernandez Picture Gallery
Christine_Reyes_798
Angela Velez
Claudine Barretto

 


Comments

Got something to say?





Advertiser