Engrandeng comeback ni Gabby Concepcion sa Iisa Pa Lamang
July 6, 2008
NAGBABALIK si Gabby Concepcion sa primetime television sa Iisa Pa Lamang na magpi-premiere sa July 14 sa ABS-CBN.
Matapos ang 10 taong tahimik na non-showbiz life, nagdesisyon si Gabby na bumalik sa Pi-lipinas at magsimula muli sa industriyang patuloy na nagmamahal sa kanya.
Nagdala ng excitement ang kanyang pagdating sa kanyang fans, supporters at colleagues na tumatagal na ng isang henerasyon.
Una siyang nadiskubre sa isang toothpaste commercial na naging si-mula upang maging isang Regal baby.
Katorse ang kanyang unang pelikula at dahil sa karisma at galing sa pag-arte, naging matinee idol siya ng kanyang panahon.
Nakatrabaho na niya sina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Lorna Tolentino at siyempre si Sharon Cuneta.
Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay ang Pahiram Ng Isang Umaga, Una Kang Naging Akin, Minsan Lang Kitang Iibigin at marami pang iba.
Award-winning actor din si Gabby.
Naging Famas Best Supporting Actor siya sa Sinungaling Mong Puso, Best Actor sa Narito Ang Puso Ko at Best Supporting Actor din ng Urian para sa pelikulang Ma-kiusap Ka Sa Diyos.
Matapos ang tagumpay ng kanyang MMK epi-sode, nagbabalik si Gabby sa primetime television sa Iisa Pa Lamang.
Kasama ang ilan sa pinakarespetadong mga aktor at aktres, gagampananni Gabby ang ka-rakter ni Rafael, ang mabait, matiyaga at mapagmahal na “kuya” ni Katherine (Claudine).
Sa likod ng pagmamahal at pagkakaibigan, may mga pagtataksil at pag-hihiganting maga-ganap sa kanyang buhay.
Kasama ni Gabby sa kanyang te-leserye sina Claudi-ne Barretto, Diether Ocampo, Ms. Susan Roces, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Laurice Guillen, Joel Torre, Matt Evans at Melissa Ricks.
Related News
No. of Views: 183 views
Tags: Gabby Concepcion
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














