Angelica Panganiban at Derek Ramsay, nagkakalabuan!

July 10, 2008









NOW it can be told! Nagkakalabuan pala talaga sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay.

Finally, inamin ni Angelica ang real score sa kanila ni Derek. Napansin kasi ng press people na um-attend ng presscon ng Iisa Pa Lamang na something was wrong with Angelica.

In fact, when she was called in by Manay Ethel (Ramos), isang teary-eyed na Angelica ang nag-emerge. Nakangiti man habang bumababa sa stairs, may luha sa mga mata nito.

It was later on revealed na in pain nga ito dahil may problema sila ni Derek. Kaya pala during the question-and-answer portion ng presscon, hindi niya ma-admit na si Derek (when asked who is her ‘one great love’) na ito.

At later on, habang iniinterbyu ni Mylene de Leon ng The Buzz, bumigay na si Angelica. Umiyak ito at nag-excuse.

Aalis ng bansa si Angelica para sa ilang weeks ng vacation. Pagdating niya, may desisyon na daw siya whether or not itutuloy pa nila ni Derek ang relasyon nila.

* * *

ALL-out ang support ng Star Magic kay Claudine Barretto.

Sa presscon, nakita naming dumating ang dalawang Star Magic bosses na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto.

Nang biruin namin si Mariole sa kanilang presence, “Support lang, not just for Claudine, but for our stars,” sabi nito.

Bihira o halos hindi uma-attend ng presscons sina Mr. M at Mariole. Pero this time, ipinakita nila ang support sa kanilang mga artist.

Hindi itinatanggi ng Star Magic na protective sila sa kanilang mga artist. In fact, kapag nalalagay sa hindi magandang sitwasyon ang kanilang artists, asahang may move sila to protect them.

Gawain naman talaga dapat ito ng managers sa kanilang talents, lalo na siyempre with Claudine, their prime artist.

Lahat ng young cast ng Iisa Pa Lamang ay pawang Star Magic talents.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Asia Agcaoili
Amanda Griffin
Michelle Madrigal
Bianca King
Joyce So Picture Gallery
Riza Santos Photo Gallery

 


Comments

Got something to say?





Advertiser