Bangayang Claudine Barretto - Angel Locsin, lumalala!
July 14, 2008
NAKU, ha, Ian F., getting out of hand na ang supposed feud between Claudine Barretto and Angel Locsin.
We had a talk with Claudine recently and she told us na nagkataon lang na nabanggit niya kay Angel na huwag akalain na ’di siya welcome ng fellow talents sa ABS-CBN.
Actually, Claudine didn’t mention any particular name, Or names.
Sa ibang sources na lang namin nalaman na ang mga artista palang ito, na supposedly ay “insecure” si Angel, ay sina Claudine nga, Kristine Hermosa, Anne Curtis at Bea Alonzo. Included din nga pala si Roxanne Guinoo.
Claudine assured Angel na mababait ang kanyang mga tinutukoy. At makipagkaibigan lang siya sa mga ito, tiyak na they will welcome her.
Feeling ni Claudine (nang makausap namin siya, ha), na-misinterpret ni Angel ang pagpapahalagang ginawa niya rito.
Medyo may mga naririnig daw siya, na supposedly ay galing kay Angel at sa kampo nito, na hindi niya gusto.
People close to Claudine said na bagama’t ’di nito tipo ang gumawa ng away, ipinakikipaglaban niya rin palagi ang kanyang karapatan.
* * *
MAITUTURING nga raw na “Claudine” ang role na Kristine na ginagampanan niya sa bagong teleseryeng Iisa Pa Lamang.
Tanggap niyang kung kabuhayan ang pag-uusapan, kapos sila. Pero, sa tulong ng kanyang lola (ginagampanan ni Susan Roces), nakakaraos sila nang hindi na kailangang manggamit ng iba.
Hanggang sa nang maramdaman niyang aping-api na sila, dahil sa panghahamak nina Isadora (Cherry Pie Picache) at Scarlet (Angelica Panganiban), saka siya nangako sa sariling babalikan niya ang mga ito.
“Kung role ang pag-uusapan,” ani Claudine, “wala akong masabi sa ginagampanan ko sa Iisa Pa Lamang. It’s a dream role talaga. And I love it.”
“Kaya naman, I also promised everyone in the production staff that I will live up to their expectations.”
Ganunpaman, Claudine will not claim na sa kanya naka-sentro ang istorya ng Iisa Pa Lamang. Well-distributed daw ang roles.
Bawa’t isa sa kanila sa cast ay may sariling highlight. It’s up to each of them na lang na bigyan ng kakaibang ningning ang role assigned to them.
It’s Claudine’s first time to work with two of the major characters sa Iisa Pa Lamang, sina Susan at Gabby Concepcion.
Kaya, ’di raw niya maiwasang ’di mailang, lalo’t sa first taping day niya with them.
“But now, I’m most at home na with Tita Susan and Gabby. I’m learning a lot from both of them,” susog pa ni Claudine.
Nakatrabaho na niya sa ilang pelikula si Diether Ocampo. But it is in Iisa Pa Lamang, ayon sa kanya, that they have a number of kissing scenes together.
* * *
KASALUKUYANG aligaga si Claudine at ang kanyang mister na si Raymart Santiago sa nalalapit na first birthday celebration ng kanilang anak na si Rodrigo Santino.
Gaganapin ang party for Santino on Sunday, July 20, sa The Blue Leaf, The Fort.
Claudine and Raymart suggest that guests come in comfy clothes dahil marami raw games. Yes, may kaukulang prizes.
Would you believe that even the yayas ng mga batang dadalo sa party will be allowed to participate in the games?
Related News
No. of Views: 1,491 views
Tags: Angel Locsin, Claudine Barretto
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














