Nicole, Josef at Robi pasok na sa My Girl

July 14, 2008









PASOK na sina ex-PBB Teen housemates Nicole Uysiuseng, Robi Domingo at Josef Elizalde sa bagong cast ng drama-comedy hit series na My Girl na napapanood weeknights sa Primetime Bida.

Ang tatlong bagets ay pare-parehong baguhan sa showbiz at una nila itong proyekto sa ABS-CBN. Lahat sila ay nagnanais makapasok sa pag-aartista at masu-werte sila sa natamong break.

Una silang nakilala sa loob ng PBB house at nabansagan ng kani-kanyang nicknames. Si Nicole ay tinawag na In-Chick ng Cebu, Lethal La Sallite ng Mandaluyong naman si Josef at True Blue Atenista ng QC si Robi. Nang matapos ang PBB Teen, tinawag na ring “next Rico Yan” si Robi.

Parehong nag-aaral sina Josef at Robi. Si Robi ay first year college sa Ateneo at fourth year high school naman si Josef sa La Salle. Pansamantala munang huminto sa pag-aaral si Nicole.

Ang mga karakter na gagampanan ng tatlo sa My Girl ay tulad din ng kanilang mga persona-lidad sa likod ng camera.

Si Nicole ang gaganap na Hannah, ang nawawalang apo ni Lolo Greg (Ronaldo Valdez). Si Robi naman ay si Vincent, ang pinsan ni Samboy na ga-gampanan naman ni Josef.

Madaragdag din sa cast ng My Girl si Keanna Reeves, ang gaganap na tita ni Nicole.

Ano kayang mangyayaring pagbabago dahil sa love triangle ng mga bagets? At paano magbabago ang relasyon nina Jasmine at Julian ngayong dumating na ang tunay na Hanna?

Sa ilalim ng direksyon nina Erick Salud at Jerome Pobocan, huwag bibitiw at kilalanin sina Nicole, Josef at Robi sa My Girl ng ABS-CBN Primetime Bida.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Bianca_Gonzales_524
Angelica_Panganiban_688
Camille Pratts
Nicole Hernandez Picture Gallery
Mylene Dizon
Amanda Griffin

 


Comments

Got something to say?





Advertiser