Iwa Moto pumapayat dahil sa non-showbiz boyfriend
July 20, 2008
NAKATULONG daw kay Iwa Moto ang boyfriend niya ngayon na non-showbiz para ma-inspire siyang magpapayat. Macho kasi ang kanyang BF.
Ayon kay Iwa, ngayong pumapayat na siya ay magaan na ang kanyang paki-ramdam. Kaya si Iwa nga-yon ay hindi na ma-tatawag na bulging sexys star.
May curves na siya ulit tulad ng lumahok siya sa StarStruck Batch 3. Nakita namin si Iwa last Wednesday night sa live broadcast ng Kung Ako Ikaw, kung saan si-ya ang nagwagi ng P100,000 cash dahil sa dami ng kanyang texter votes bilang la-dy security guard sa isang sementeryo, at naging pa-borito pa siya ni Bisor.
Ani Iwa:“Ten pounds na ang ipinayat ko. Pero, kaila-ngan ko pang magbawas ng timbang.”
Kasama si Iwa sa soap na Magdusa Ka na direhe ni Direk Maryo J. delos Re-yes sa afternoon soap ng GMA-7.
Regular cast din si Iwa sa Nuts Entertainment. Kung saan siya ang mada-las mag-co-host.
* * *
HINDI nga yata mapaghiwalay ng tadhana sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
Kasi, buhat nang mag-kasama sila sa GMA-7, pa-rating pinagtatagpo ang ka-nilang landas.
Una’y nagkasama sila sa I Love New York , tapos, ngayon ay sa bagong drama anthology na mapapanood tuwing Sunday, pagkatapos ng Pinoy Idol, ang Dear Friend kung saan magbi-bibigay-payo sina Jolina at Marvin sa letter or e-mail senders.
Tomorrow, sa first epi-sode ay tampok ang Teenage Pregnancy na pagbibidahan ng mag-love team na sina Jennica Garcia at Mart Escudero.
Related News
No. of Views: 289 views
Tags: Iwa Moto
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














