Sharon Cuneta, may sorpresa kay KC Concepcion

July 20, 2008







WALANG imposible kung magkasama man sa iisang show ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Yezzz, hindi nga imposible dahil ang very special guest ng Sharon ngayong Linggo ay walang iba kundi si KC.

Nu’ng taping nila ay ang cute nilang tingnan dahil para lang silang magkapatid habang nagdu-duet ng kantang Umbrella.

“Mga kaibigan, ang aking panganay na mahal na mahal ko. Makakasama natin si KC dahil she’s marking another milestone sa career niya. She has just released her debut album under Sony BMG.

Ito po ay may title na A.K.A. Cassandra at ang kinanta nga naming Umbrella ay kasama sa kanyang debut album.

Buong gabi po ngayon sa Sharon show ay madidinig natin ang ilan sa mga kanta ni KC,” ang very proud mama na intro ni Megastar sa kanyang eldest daughter.

And take note, ang co-host pa ni Sharon ay walang iba kundi ang itinuturing nilang very special friend na si Martin Nievera. So, Sharon with KC plus Martin equals sulit na panonood natin ng Sharon this Sunday only sa ABS-CBN primetime.

May surprise sina Sharon at Martin kay KC at kung ano yon or kung sino, well, your guess is as good as ours. Who knows, baka si Richard Gutierrez na ’yon kahit na sabihin pang belong ang binata sa Kapuso Network.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Kathleen Hermosa
Bianca_Gonzales_530
Maja Salvador
Kathleen Hermosa
jenny_hernandez_2
ehraM_0806_06

 


Comments

Got something to say?





Advertiser