Angel Locsin, Claudine Barretto walang kasalanan, biktima lang ng intriga
July 27, 2008
Naganap na nga ang pag-uusap sa pagitan nina Claudine Barretto at Angel Locsin sa opisina ng Star Cinema noong July 23, 2008 na may kinalaman sa
sinasabing ‘di-magandang pag-uusap ng dalawa noong July 4 sa isang salon sa Quezon City.
Pagkatapos ng ilang oras na pag-uusap sa pagitan ng dalawa sa harap ng ilang ABS-CBN executives at ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan, nilatag ni Claudine at Angel ang kani-kanilang mga panig at damdamin tungkol sa naganap.
At sa pag-uusap na ito, nabigyang-linaw ang mga sumusunod:
Walang sigawang nangyari, walang nanipa ng kahit anumang gamit.
Walang nagtaas ng bo-ses, walang sigawan. Na-ging seryoso ang pag-uusap at nagkaroon ng kaun-ting tensyon.
Isa-isang nilatag ni Claudine ang kanyang mga saloobin, at ganoon din si Angel. At dahil dito, na-patunayang parehong walang kasalanan ang dalawa.
Nagkaroon lang ng miscommunication at napalaki pa ng mga intriga bago at pagkatapos mangyari ang pagkikita sa parlor.
Lumabas ang lawak ng pang-unawa ni Claudine, na naging tatak na niya bilang ate sa mga nakababatang artista sa ABS-CBN.
Pagkatapos ng pag-uusap ay natuwa ang mga kasama sa meeting dahil sa pagkakasundo ng dalawa at ang commitment na magsimula muli bilang magkapamilya.
Ito lamang ang nasabi ni Claudine pagkatapos ng pag-uusap.
“Ipinagdasal ko ‘to, na maayos ang gusot na ito sa pagitan namin ni Angel. Matagal akong na-nahimik pagkatapos nang pagkikita noon sa salon dahil ayokong lumaki ang issue.
“Aaminin kong naging masakit sa akin ang mga nabasa ko sa mga dyaryo na hinusgahan na ako.
“Noong isa-isa na na-ming nilatag ni Angel ang mga isyu at saloobin namin, dito na nabigyang linaw ang lahat. At sa pagkakataong iyon, naging madali sa amin ang magpatawad, anuman ang nangyari.”
Related News
No. of Views: 653 views
Tags: Angel Locsin, Claudine Barretto
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














