Claudine Barretto, nasaktan sa panghuhusga ng press

July 28, 2008









NU’NG July 23 nga sa opisina ng Star Cinema naganap ang kontrobersyal na pag-uusap nina Claudine Barretto at Angel Locsin.

Pagkatapos ng ilang oras na paghaharap ng dalawang aktres at ng ilang ABS-CBN executive at malalapit na kaibigan, nabigyang-linaw ang mga sumusunod: Walang sigawang nangyari sa salon, walang paninipa ng silya at walang nagtaas ng boses sa isa’t isa.

Panandalian umanong naging seryoso ang pag-uusap at nagkaroon pa ng konting tension sa paligid.

Pero ang ending, nagkalinawan sina Claudine at Angel. Nagkaroon lang daw ng miscommunication at lumaki ang issue dahil sa mga intrigero’t intrigera.

Sabi raw ni Claudine: “Ipinagdasal ko na maayos na ang gusot namin ni Angel. Matagal akong nanahimik pagkatapos ng pagkikita namin sa salon dahil ayokong lumaki pa ang isyu.

“Aaminin kong nasaktan ako sa mga nabasa ko na tipong hinusgahan na ako ng press.

“Pero nu’ng isa-isa na naming inilatag ni Angel ang mga isyu, du’n nabigyang-linaw ang lahat. Sa pagkakataong ’yun, naging madali na ang pagpapatawad.”

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Jocelyn Oxlade
Sunshine Cruz
KC Concepcion
Kat Alano
Alicia Mayer
Jocelyn Oxlade

 


Comments

2 Responses to “Claudine Barretto, nasaktan sa panghuhusga ng press”

  1. Jasmine Umerez on July 31st, 2008 4:50 pm

    Hi…im a big fan of angel locsin ang luis manzano, sana magkaron sila ng movie together, or kahit soap…The best ka Angel Locsin,bagay kayo ni Luis manzano

  2. Jasmine Umerez on July 31st, 2008 4:53 pm

    I also love Iya Villania, Anne Curtis, Heart Evangelista and Sam Milby and also Sarah Geronimo, sana bigyan ng movie ng abs sila anne and sam…

Got something to say?





Advertiser