Maui Taylor demanding sa role
July 28, 2008
MAITUTURING na first major project ni Maui Taylor sa Viva Films itong Tororot (Destierro) ni Direk Maryo J. delos Reyes after almost two years na hindi siya tumanggap ng anumang pelikula.
“Naging visible naman ako sa TV pero not that much,” wika ni Maui nang makatsikahan namin. Nagkaroon lang daw siya talaga ng pagkakataong mangibang bansa at wala raw katotohanan ang balitang kaya siya nawala ng dalawang taon sa sirkulasyon ay dahil nag-asawa na siya.
“Ay naku, malabo pa ‘yun. I’m not ready yet. Hindi pa sa ngayon. Nagkaroon lang talaga ako ng series of shows abroad, mga personal appearances.
“Kabi-kabila ‘yung opportunities abroad. Sayang naman kasi, ‘di ba? Sa hirap ng buhay, I can’t afford to have no work. And my mom (Anette Taylor) can attest to that,” paliwanag niya.
Early last year lang siya muling bumalik sa kuwadra ng Viva Films. At nagkataon namang may project si Direk Maryo J. delos Reyes. Kaagad daw siyang tinawagan ng Viva boss na si Vic del Rosario for a meeting.
“Pagbalik ko ng Viva, I was to do sana Ilusyon, pero that time parang hindi pa ako ready ulit to do sexy film yet, so binigay muna nila kay Jaycee Parker. Dapat ‘yun ‘yung first tambalan namin ni Yul,” pagtatapat niya na isa nga sa dahilan ay napagod daw siya sa sunud-sunod na sexy films na ginagawa niya dati.
Pero itinanggi ni Maui na nag-demand siya ng role sa Torotot? Ang balita ay tipong namili raw siya ng role na hindi masyadong magre-require for her to bare or show some skin.
“Actually, it was direk Maryo who made me choose the role. Sabi niya, bagay daw akong Rita, bagay ding Marie. So sabi sa akin, bahala na akong mamili.
“Actually, Marie has a loves cenes with Andrew Schimmer. And ‘yung Rita, ‘yun ‘yung walang masyadong love scenes. Dinagdagan na lang nila. So the role of Rita and Marie were equal. So direk gave me that option. So I opted for Marie,” patungkol sa role niya sa pelikula.
So, walang isyu tungkol sa role?
“Walang ganu’n. Grabe ‘yung role ng Marie. Kung mababasa ninyo lang ‘yung script, grabe ‘yung ginawa niya roon,” pagtatapat ni Maui sa amin.
Related News
No. of Views: 208 views
Tags: Maui Taylor
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














