Sam Milby may kaagaw na kay Anne Curtis
August 7, 2008
Bago man para kay Sam Milby ang karakter niya sa Dyosa (pinagbibidahan ni Anne Curtis at ipapalabas sa Agosto 11 sa primetime bida ng Dos), ipinagmamalaki ng aktor na hirap man daw silang lahat, sulit ang pagod nila sa proyektong ni ni Direk Wenn Deramas.
Sa grand presscon ng Dyosa na ginanap pa sa Manila Ocean Park (pabulosa talaga!), sinabi ni Sam na ang kanyang karakter lamang ang nagiging tao pagdating ng takdang oras.
Interesting, ‘di ba?
Makakasama nina Anne at Sam sina Luis Manzano at Zanjoe Marudo, silang tatlo na mag-aagawan sa puso ng isang Dyosa.
Sayang at wala si Zanjoe sa presscon, nasa Amerika ang binata para sa show ng Coverboys doon.
Napag-alaman din naming si Luis pala ang laging makakasama sa eksena ni Anne since most of her scenes were shot underwater, with him. Isang taong isda ang karakter ni Luis.
Tinanong muli si Sam kung ano ang reaksyon niya?
“Wala, hindi naman ako magagalit kasi trabaho naman ‘yan eh,” sabi pa nito na tila sinisikap talaga ni-yang magsalita ng wikang Filipino.
Napag-usapan din ang tungkol sa hirap ng prosthetics na at paghahanda na ginawa nina Sam, Luis, at Anne. Bukod kay Anne, kay Luis daw ang pinakamatagal lagyan at mahirap pa dahil body paint ang ginamit na pantakip sa katawan ng TV host/ aktor.
Kinantiyawan tuloy si Sam kung hindi ba siya apektado na halos walang damit si Luis sa ilalim ng dagat, at maging si Anne rin dahil sirena nga siya, ‘di ba? Then, lagi pa silang magka-eksena?
“ Bakit nakahubad din naman ako, ha?” mabilis pang tugon ni Sam na talagang natuwa kami sa sagot niya.
Very innocent at tila may selos factor kay Luis ang dating ng pagkakasabi niya kahit ayaw man niyang aminin.
Hay naku, basta love talaga namin si Sam. Aba-ngan natin ang paglipad ng aktor sa Dyosa. Sino kaya sa kanilang tatlo nina Zanjoe at Luis ang higit na ka-kikiligan ng manonood?
* * *
Sa Dyosa pa rin, maging ang director ng nasabing fantaserye ay hindi rin nakaligtas sa mga isyu na kailangan niyang sagutin. Tinanong din si Direk Wenn kung ano ang reak-syon niya tungkol sa naglalabasang isyu about DJ Durano.
Si Direk Wenn kasi ang nagma-manage ng career ni DJ at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tinitigilan ng mga intrigero.
Na kesyo kaya lang daw may proyekto si DJ dahil kay Direk Wenn, na bakit daw sa lahat ng projects ng direktor ay naroon si DJ.
Ipinaliwanag ng direktor na alaga niya si DJ. Kung ‘yung iba nga raw na na-kikita lang niya sa kalye ay nabibigyan niya ng trabaho, ito pa kayang alaga niya, na may komisyon pa siya?
Seryoso ring sinabi ni Direk Wenn, he finds it unfair na husgahan siya agad na porke’t kasama lagi si DJ sa mga proyekto ay may relasyon na umano sila.
Katwiran pa ni Direk Wenn, bakit sina Chokoleit at Eugene Domingo, lagi niyang nakakasama sa teleserye at mga paborito niya ang dalawa pero hindi sila ini-intriga?
Unfair nga naman.
‘Yun na!
Related News
No. of Views: 764 views
Tags: Anne Curtis, Sam Milby
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














