Angel Locsin malaki ang impluwensya kay Luis Manzano

August 16, 2008









Kahit unang termino pa lamang ni Governor Vilma Santos-Recto bilang ina ng buong Batangas, ikinatutuwa raw niyang full-support aniya sa kanya ang buong Sangguniang Panlalawigan ng nasabing pro-binsiya.

Mula sa mga mayor at iba pang opisyales ay naka-suporta raw sa mga programa ni Gov. Vi.

“‘Yung mga mayor na hindi ko nakasama noon, they’ve been very, very supportive at ikinatutuwa ko talaga ‘yun. Kahit hindi ko sila naging ka-partido at nakasama ‘yung mga pangangai-langan at proyekto nila ay nasa kanila.

“Gaya na lang ng school sa lugar nila. ‘Yun kasi ang naging panuntunan ko sa Lipa noon eh, na pagkatapos ng eleksyon, tama na ang pulitika,” bungad pa ni Governor Vi.

Isa pang ikinatutuwa ng butihing gobernador / aktres ay ang development ngayon sa lalawigan ng Batangas.

Dagdag pa ni Gov. Vi, maganda raw ang tax revenue collection ng probinsiya at kahit isang taon pa lamang daw siyang nakaupo bilang Gobernador, na-libot na nito ang lahat ng bayan sa Batangas.

Ganoon nakatutok at ka-devoted si Ate Vi sa trabaho niya bilang isang public servant.

In fact, tuloy pa rin ang programang H.A.R.T.S ni Gov. Vi.

As in, health, environment, roads, tourism and security.

May kinalaman ito sa pagpapatayo ng mga da-an, ospital at pagpapaganda ng mga tourist attraction sa probinsiya nila.

Ibinalita rin ni Ate Vi na nagpaalam na siya sa mga constituents niya na magbalik-pelikula na siya.

In fact, nakipag-meeting na rin daw siya with Star Cinema.

Napag-usapan din na-min ang tungkol sa uma-no’y kagustuhan ni Sharon Cuneta na makasama siya sa pelikula.

Touched nga si Ate Vi nu’ng malaman niyang isa sa binilin daw ni Sharon sa Star Cinema ay ang makagawa ito ng movie with her.

Willing daw mag-adjust sa talent fee niya ang Megastar, matuloy lang pangarap niyang makasama si Ate Vi.

Iba yata ang charisma ni Ate Vi!

* * *

Masuwerte si Angel Locsin, mismong si Governor Vi ang nagsasabing mabait at magandang impluwensiya raw ang aktres kay Luis Manzano.

Sa aming chikahan with Ate Vi, ipinaliwanag nito kung sa paanong paraan nagiging magandang impluwensiya ang dalaga kay Luis?

Sinabi pa ni Ate Vi na kung ano man daw kasi ang strengths and weaknesses ng isa, napupunuan naman ito ng isa.

So, they compliment each other, ‘ika nga.

In fact, mas naging maganda raw ang disposis-yon ngayon ni Luis at mas nag-mature ang pananaw sa buhay.

Hmmn, ano naman kaya ang masasabi ni Angel tungkol sa mga positive comments ng ina ni Luis about her?

In fairness, nakilalang nice at marespeto si Angel sa mga tao sa paligid.

Although, misunderstood lang siya dahil muk-hang suplada nga raw ang aktres.

Ito ay komento lang din ng ilang televiewers. Well, kung titingnan ang features ni Angel, strong ang dating nito.

Ang importante, hindi siya supladita gaya ng a-kala ng ibang tao.

Naku, huwag tayong mag-judge agad.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Valerie Concepcion
Riza Santos Photo Gallery
Angela Velez
Valerie Concepcion
KC Concepcion
Vanna Garcia

 


Comments

Got something to say?





Advertiser