Matt Evans, Melissa Ricks tuloy ang pag-akyat ng career

August 19, 2008









Isa sa pinakamaiinit at sinusubaybayang young love teams ngayon sina Matt Evans at Melissa Ricks.

Maliban sa pagiging maganda at guwapo nilang dalawa, mayroon pa silang isang something in common – pareho silang nagsimula at nakilala sa reality show ng ABS-CBN. Si Matt ay nakilala sa Pinoy Big Brother Teen Edition samantalang si Melissa naman ay naging runner-up sa Star Circle Quest.

Nagkaroon ang dalawa ng break nang ma-cast sila sa Komiks Presents: Da Adventures of Pedro Penduko. Si Matt ang gumanap bilang Pedro Penduko samantalang si Melissa naman ang kanyang leading lady na si Hiyas. Nasundan ito ng Pedro Penduko at ang mga Engkantao. Talagang perfect ang dalawa para sa isa’t isa.

Nakita ang kanilang potensyal at magandang chemisty bilang isang love team kaya pinagsama pa sila sa iba pang mga projects tulad ng Your Song, Love Spell Presents, Princess Sarah, ASAP at sa horror film na Shake, Rattle and Roll 9.

At ngayon, itinuturing ng dalawang young stars ang kanilang pag-kakasama sa Iisa Pa Lamang bilang biggest break nila.

Sa soap, si Melissa ang gumaganap bilang Sophia, ang bunsong anak ni Doña Isadora (Cherry Pie Picache) at nakababatang kapatid ni Miguel (Diether Ocampo). Si Matt naman ay si Toby, ang bunsong kapatid ni Rafael (Gabby Concepcion).

Abangan ang iba pang makapigil-hiningang mga eksena nina Toby at Sophia sa Iisa Pa Lamang na pinagbibidahan ni Claudine Barretto bilang Catherine, weeknights sa Primetime Bida.

Mapapanood din sila tuwing linggo sa ASAP ’08.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Kat Alano
Diana Zubiri
Aubrey Miles
Riza Santos Photo Gallery
Maureen Larrazabal
Kristine Jaca

 


Comments

One Response to “Matt Evans, Melissa Ricks tuloy ang pag-akyat ng career”

  1. mae Ann on December 19th, 2008 1:32 am

    hello idol ko po tlaga kayo

Got something to say?





Advertiser