Pokwang ipinagtanggol ni Willie Revillame sa ‘aswang isyu’

August 20, 2008









Nagsalita na si Willie Revillame tungkol sa pang-ookray at panlalait ni Joey de Leon kay Pokwang. Kung pagbibiro pang matatawag ito, then it’s overboard.

Done in bad taste talaga ang pagkakasabi ni Joey na mukhang aswang si Pokwang.

Ito ang ipinag-react ni Willie. Ipinagtanggol ni Papi si Pokwang at sinabi nitong hindi alam ni Joey ang pinagdaanan ni Pokwang para sabihan niya ngang ganoon ang komed-yana.

Dagdag pa ni Willie, lumaban daw nang patas si Joey, ‘yung lalaki ang ha-rapin niya, huwag pati ba-bae ay pinapatulan.


Sinabi rin ni Willie sa kanyang litanya sa Wo-wowee kay Joey, may anak si Pokwang na ngayo’y ni-loloko sa eskuwelahan dahil sa pinaggagawa nitong si Joey.

Ang punto ni Willie, sa-na’y huwag pati babae at ‘yung walang kalaban-laban ang ginaganoon ni Joey.

Sinigurado rin ni Willie na walang sinumang puwedeng gumalaw sa co-hosts niyang sina Pokwang, Valerie Concepcion, RR at Mariel Rodriguez.

Sa totoo lang, kulang ang espasyong ito para sa mga komento na aming na-ririnig laban kay Joey. Isa lang ang aming ma-sasabi, bakit ba tila apektado sila sa kasikatan ni Powkang? Para gawan ng isang kanta si Pokie, aba, she really matters, ‘di ba?

Well, malamang ay hindi matanggap ni Joey na si-kat at nalampasan na ni Pokwang ang ibang komed-yante?

Ano po ba sa tingin ninyo?

Ano naman kayang reasoning o dahilan ang ibibi-gay ni Joey this time? Well…

Hinay-hinay lang po ta-yo. Huwag ‘yung maka-pagpatawa lang, segue tayo sa panlalait.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Maja Salvador
Kristine Jaca
Asia Agcaoili
Heart Evangelista Photo Gallery
Mary Jean Maycon
Bianca Araneta

 


Comments

Got something to say?





Advertiser