KC Concepcion naging emosyonal sa ASAP ng makita ang VTR ni Gabby Concepcion
August 24, 2008
NAGING emosyonal si KC Concepcion sa ASAP ’08 kahapon nang sorpresang lumabas ang VTR ng amang si Gabby Concepcion habang umaawit siya ng In My Life.
Kitang-kita ang pagkagulat ni KC nang sa gitna ng song number ay biglang ipinakita ang VTR ni Gabby na bumati at saka kumanta rin ng In My Life.
Napatigil sa pagkanta ang young actress at habang pinapanood ang amang kumakanta, nagsimula na siyang maging emosyonal hanggang sa mapaiyak na nang husto.
Pakiramdam namin kay KC habang pinapanood ang ama ay may memories na nag-flashback, kaya she really cried her heart out.
Nang makabawi-bawi ang dalaga, sinabayan na niya ang ama sa pagkanta at kahit pa sabihing VTR lang ’yun, nakaka-touch pa ring tingnan ang pagsasama at pagdu-duet ng mag-ama for the first time.
Idagdag pa rito, napakamaramdamin ng pagkakanta ni Gabby kaya nakakadala talaga.
After the song, maramdamin din ang pagkakasabi ni Gabby ng “I love you” sa anak.
Nagpasalamat naman si KC sa ama saying na hindi niya alam na may ganu’ng VTR at nagkaroon siya ng chance na maka-duet ito.
Mas maganda nga lang sana kung live pareho ang mag-ama na magkasama but we learned na may nauna nang natanungang commitment si Gabby sa oras na ’yon.
Nasa SM North EDSA siya para sa iniendorsong I/M T-shirt.
Nasa ASAP ’08 si KC kahapon kasama ang leading man na si Richard Gutierrez para sa promo ng For the First Time, na showing na sa Aug. 27.
Sa red carpet premiere sa Aug. 26 sa Megamall Cinema 9 & 10, sinigurado na ni Gabby sa Star Cinema ang kanyang pagdalo.
View KC Concepcion Picture Gallery >>
Related News
No. of Views: 515 views
Tags: KC Concepcion
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














