Sharon, Gabby hiwalay ng sinehan sa premiere ng KC-Richard movie
August 24, 2008
SUPER excitedna sina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa nalalapit na pagpapalabas at premiere night ng pelikula nilang For the First Time under Star Cinema.
Tapos na ang principal photography ng movie, pero may kailangan pang gawin sa dubbing kaya super- busy pa ang dalawa. Grabe rin ang schedules nila sa promo, huh! Kung saan-saang malls sila pumupunta.
Recently, nag-guest pa si KC sa Wowowee. Kumembut-kembot ang dalaga na walang pakialam. Tuwang-tuwa naman sa kanya ang studio audience at televiewers.
Samantala, very proud si Richard na nakagawa siya ng pelikula sa Star Ci-nema at siya ang naging unang leading man ni KC sa first movie nito.
“I’m blessed to be working with Star Cinema kasi nabigyan ako ng opportunity working witht hem. They made me feel na talagang welcome. Binigyan nila ako ng special treatment. I’m thankful talaga,” wika pa ng binata.
Si KC naman, bukod sa excitement ay kinakabahan din kung ano ang magiging reaksyon ng tao sa kanyang first movie.
“Sana, magustuhan nila ang pelikula namin ni Ri-chard. Ibinigay ko ang puso ko dito sa movie at sana makita nila ‘yun at maramdaman habang pinapanood ni-la,” sabi pa niya.
Magkakaroon nga pala ng international premiere ang pelikula sa Los Angeles in Alex Theater on Sept. 6 at sa San Francisco in Fox Theater on Sept 7. Dada-luhan ito ni KC.
Sa international premiere naman ng For the First Time sa Vienna Austria Cineplexx Donauplex) on Sept. 28 ay parehong dadalo sina Richard at KC.
Magkakaroon din ng in-ternational regular screening ang pelikula sa Guam, Seattle, Las Vegas, San Diego, Pasadena, Hawaii, Chicago, Dubai, Sharjah, Abu Dhabi, Qatar at Bah-rain.
* * *
ACCORDING to our source, parehong dadalo sa premiere night ng For the First Time sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta bukas (Aug. 26). Kaya lang, hindi sila magkasama sa isang sinehan.
Si Sharon ay sa cinema 10 while Gabby will view the movie at cinema 9 ng SM megamall. Parehong may mga artistang maka-kasama sina Sharon at Gabby sa dalawang sinehan.
Eh, saang theater naman kaya magi-stay sina KC at Richard?
Your guess is as good as mine.
Related News
No. of Views: 333 views
Tags: KC Concepcion, Richard Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














